Minsan may mga bagay tayong ‘di naman natin inaasahan… Hindi man natin hinihingi… Ngunit dahil sa tulong at awa Niya, sa wakas, pagkalipas ng 7 na taon nag-champion rin ang NDC. Isang pangarap na akala nami’y suntok sa buwan. Akala namin ay hanggang pangarap na lang gaya ng kay Pichay. Isang pangyayaring magsisilbing inspirasyon upang mas lalong pagbutihin ang aming paglilingkod.
Salamat sa Dios sa Kanyang mga kaloob na hindi masayod. Sa mga awit na patuloy Niyang ipinagkakaloob. Sa lahat ng mga pangyayari na aming naranasan, maging masaya man o malungkot. Sa lahat ng kapatid at kasama na naging bahagi at patuloy na nagmamahal sa grupong ito. Sa mga manggagawa na aming nakasama, umalalay at nagsilbing gabay sa bawat isa sa amin. Salamat sa Dios sa bawat mabubuting pagkakataon na Siya ay maalayan ng aming mga tinig. Salamat sa lahat-lahat, maging sa mga bagay na hindi na namin alam. Sa Dios ang lahat ng karangalan at kapurihan!!!
TO GOD BE THE GLORY FOREVER!
Tags: Competition, Kwento ni Pop Lola, Photos
ndc.jpg)




















































