‹ Maligayang kaarawan sa aming “Import” •
Dati pangarap ko na talagang tumayo sa isang silid-aralan at makihalubilo sa mga mag-aaral. Kaya nga’t wala kaming ginawa ng mga kaibigan ko palagi kundi ang maglaro ng pamosong “titser-titseran”. Kukuha kami ng pisara, yeso tsaka mga ilang libro, tapos ay para na kaming nasa isang klase. Ngunit ang lahat ng ito ay ‘di na lamang isang pangarap…
Ganap na ika-2 ng hapon noong huwebes, Abril 12 sa tanghalan ng UP ay nakamit ko na ang katibayan ng matagal ko ng pangarap. Isa na pong guro ang inyong lingkod. Hindi na lamang isang laro, kundi isa ng reyalidad ng aking buhay.
Nagpapasalamat ako ng marami sa Dios dahil sa pagkakataong ito. Salamat sa mga taong nasa likod nito. Salamat NDC dahil isa kayo sa naging malaking bahagi ng pangarap kong ito.
Tags: Chika ni Professor(a) Rj
ndc.jpg)














































