Marami ng dumaan
at ‘di na rin mabilang
mga bagyong nalampasan
sa lilim ng ‘Yong katwiran
Pagsubok na dumarating,
hindi na bago sa ‘min
Pangako Niya sa itaas,
‘yan ang tiwala namin
At kahit na napipighati,
heto pa rin nakangiti
Tanging hangad
sa tulong Mo Ama’y
makamtan ang aming kaligtasan…
Wooh, aming Dios ng Israel
Abot-abot ang saya
Ngalan Mo’y sinasamba
Wooh, aming Dios ng Israel
Sama-sama’t nagkaisa
Nagpupuri sa ‘Yo Ama
Ito ang aming alay,
sampu ng aming buhay
Gabay Ka naming tunay,
hanggang sa magtagumpay
Sa gitna ng pangamba,
aming ibinabandila
Ang aral Mo at salita,
yaman ng puso at diwa
Tayo na kapatid,
ilakas ang tinig
Pag-asa ay ipabatid,
magbuklod, magkapit-bisig
Ang aming nais,
makapiling Mo
Ayaw na naming
mawalay sa ‘Yo, oh…
Pagkat sa ‘Yo Ama nagmumula
pagpapala na buong ganda
Paglingap Mo sa ‘amin ay ibang-iba
Pag-ibig Mong dakila ay damang-dama
Tags: Lyrics
ndc.jpg)













































