Sa tuwing tayo’y magkakahiwalay,
bawat paalam ay may lumbay
‘Di maiwasang paghayo
Doon sa ibang dako,
batid kong muli’y magtatagpo
Pagkat iisa ang diwa
Iisa ang ating nasa
Na ang Ama’y bigyang lugod,
buong buhay ipaglingkod
at kahit na magkalayo
Dios sa puso ang nagbuklod
Ikaw ay aming kapiling sa alaala’t panalangin
Ikaw nawa ay lingapin kung lungkot ay sadyang kay lalim
Karamay mo kami sa iisang daing
na sana’y magtagpong muli
amagkasamang makamit
ang paraisong langit.
Salamat oh Dios Amang Maykapal
Bigay Mong sugo na tapat kung magmahal
Alam kong ‘di Ka magpapabaya
Dakila ang Iyong awa
at kahit saan magpunta Ikaw ay laging kasama
Dahil tayo ay iisa,
kahit mundo ay kabaka
Wala na ngang ibang makakapigil pa…




No comments
Comments feed for this article
Trackback link
http://northdistrictchoir.com/blog/227/trackback