Sino ba ang makakalimot sa araw na ito? Sa grupo ng NDC, isa ito sa mga araw na hinding hindi namin makakalimutan. Dahil ito ang araw ng naawitan namin si Kapatid na Eli at dito namin naawit sa kanya ang “Pag-asa”. Paano nga ba nangyari ang pagkakataon na ito? Sa Morong bataan, summer outing ng North District. Mga alas 10 na gabi ng umalis kami mula sa lokal ng edsa. Ang mga nakasamang NDC ay si Rj, Abby, Gilbert, Andy, Arian, Vinzor, Michael, Roger, Bong, Arnel, Paul, Bryan, Embet, Jeck, Jean, Malou, Grace, Judith, Shy, Karen, Mita, Ana Sable, Ana Camato, Menggay at Mhinnie. Kasama namin ang aming worker coordiantor noong panahon na yon na si Bro. Wilfred Rivera. Madaling araw na nga makarating kami sa Morong, at doon namin nadatnan si kapatid na Eli na nagluluto ng pansit. Naghain ang mga kapatid at pinakain kami. Pag kakain namin, nagpahinga kami sandali at natulog. Kinaumagahan ay sinalubong na namin ang mga kapatid mula sa North District. Nangyari ang isang pangyayari na akala namin hindi matutupad. Parang suntok sa buwan, na kami, NDC, maawitan si Bro. Eli. Parang hindi mangyayari yun pero niloob ng Dios na mangyari. Bandang tanghali ng sinabihan kami ni Bro. Wilfred na tara puntahan na natin si Ingkong, pero sa unang pagkakataon hindi kami nakalapit kasi nga busy pa din si Bro. Eli. Kaya ang ginawa namin nag swimming ulit kami. Nakakatawa nga e, kasi itong mga boiz inaasar kami dahil para lang hindi basa ang damit namin na haharap kay Bro. Eli nagpalit muna kami, tapos ang sinuot namin e yung suot naming damit papunta ng morong. Sabi ng mga boiz ang babaho na daw namin at tawa pa ng tawa. Mga pang-asar talaga pero dedma na lang kami kasi nga gusto talaga namin maawitan nun si Ingkong. Sa pangalawang pagkakataon, tinawag ulit kami ni Bro. Wilfred, ang sabi aawitan na namin si Bro. Eli kaya nagtakbuhan kami lahat, kaso pag dating namin may ginagawa pa din si Ingkong at sabi ng mga quat na nakapaligid mamaya na lang daw. Nilapitan namin din nun si Bro. Efren Baquing, pero busy din sya kaya hindi na namin naawitan. Halos lahat kami ang lungkot lungkot na. Kasi nga, gusto talaga namin maawit kay Bro. Eli yung Pag-asa. Ang inspirsyon kasi ng awit na yun syempre una ang Dios, pangalawa si kapatid na Eli, nasulat kasi ni sis malou ang awit na ito nung minsang pasalamat na nagsasalita si Bro. Eli tapos umiiyak sya, dun nya sinabi na “Siguro mga kapatid, masarap na maidlip ka na lang tapos hindi ka na magigising”. Kaya ang inspirasyon ng awit na Pag-asa ay yung mga sinalita ni Ingkong. Akala namin hindi na talaga matutuloy na maawitan namin si Ingkong, kaya ang ginawa namin nagpalit na ulit kami ng damit at nagswimming ulit. Bandang hapon na ng may magtext kay karen na Quat na malapit na daw umalis si Bro. Eli at pwede na daw awitan kaya ayun nagmadali kaming lahat na umahon at nagpalit ng damit. At nangyari na nga ang pinapangarap ng NDC. Lumapit si Kuya wilfred, pinapila na kami. Ang sabi nya “Kapatid na Eli ito po ang North District Choir, sila po yung choir na isinama nyo nun sa concert ng Oldies but Goodies”. Tapos tiningnan kami ni Bro. Eli nakangiti tinanong namin sya “Bro Eli, ano po ba gusto nyo awitin namin, oldies po?” sabi n’ya sige oldies at inawit namin ang medley ng Breaking up, Mr. Postman, Carinosa, Ikaw ang mahal ko. Habang umaawit kami tinitingnan kami ni Ingkong, tapos umiindak din sya na nakangiti. Ang saya saya talaga sa pakiramdam. Nung inaawit na namin yung ikaw ang mahal ko, biglang tumayo si Bro. Eli, mukhang aalis na yata,hindi pa namin naaawit ang Pag-asa kaya sumesenyas na kami kay roger na blisan na nya mag gitara. Pagkatapos ng awit namin sinabi namin Ingkong last na lang po, gusto po namin maawit sa inyo ito, kaya nagsimula ng tumugtog si roger, noong una nakatayo si Bro. Eli, hinawakan nya yung walis tingting tapos nagwawalis sya, pero alam namin na pinakikinggan nya kami. Maya maya huminto sya sa ginagawa nya tapos lumapit sa puno, pinatong nya yun kanan nyang kamay habang kumakanta kami tinatap (bong di ko alam sa tagalog to) nya yung kamay nya sa kahoy. At lahat na kami nag-iiyakan. At nakita rin namin kung panong nanlingid ang luha ni kapatid na Eli. Tapos umupo sya. Pagka-awit namin tinanong nya kun sino gumawa nung awit, kung matagal na bang gumagawa ng awit si Malou. Ang sabi nya na talagang na touch ako na natatandaan ko pa sabi nya “Very good, ibigay nyo yang awit sa MMC”. Grabe na ito lahat kami nag-iiyakan, tapos lumapit kami kay Ingkong, nagpa picture at niyakap namin sya. Ang sarap alalahanin ang ganitong pangyayari. Salamat sa Dios sa pagkakataon na ito. Masaya kami na naawitan namin ang sugo ng Dios. Naniniwala kasi ako na noong panahon na inaawitan namin si Bro. Eli, parang naaawitan na rin namin ang Dios. Dahil walang taong pinakamalapit sa Dios sa panahon na ito kundi yung sugo Nyang mangangaral. Saka yung pakiramdam, di kayang letrahan. Iba talaga. Kaya iyak na lang kami ng iyak. Pero ang saya saya sa pagkataong loob. Natutuwa kami na naawit namin kay Ingkong ang Pag-asa (5 months pa lang ang awit na ito kagagawa pa lang. Una kasi namin naawit ang Pag-asa sa assembly ng KKTK North jan 2004). At sa ngayon ang awit na “Pag-asa” ay patuloy na nagiging inspirasyon ng bawat isa sa atin sa ating mga paglilingkod. Salamat sa Dios. Salamat sa isang pangyayaring patuloy na nagbibigay inspirasyon sa NDC. Salamat sa mga awit na Kanyang kaloob, sa kanyang Awa at kagandahang loob. TO GOD BE THE GLORY!
Recent Comments