Birthday

You are currently browsing the archive for the Birthday category.


Maligayang ika-44…

na taon ng paglilingkod sa Dios, aming nag-iisang
kapatid na Eli Soriano.

Ikaw ay aming kapiling sa alaala’t panalangin
Ikaw nawa ay lingapin kung lungkot ay sadyang kay lalim
Karamay n’yo kami sa iisang daing
Na sana’y magtagpong muli
at magkasamang makamit
ang paraisong langit.

April 7, 2008 by admin | No comments

Isa (parang andami ah) sa “Birit Queen” at ate ng grupo, si Leilani Dela Cruz o Lei ay naging miyembro taong 2004. S’ya ang reyna ng Load, mahilig sa chocolates, sa hamburger at sa kahit na ano basta nakakain :D. Nagdiriwang ng kanyang ika-9 na taon sa Iglesia. Hangad namin na makapagpatuloy ka pa rin sa paglilingkod. Miss na miss ka na namin. Sana muli tayong magkakasamang umaawit. Patawad sa lahat ng naging pagkukulang namin. Mahal ka ng NDC. God Bless!

Si Mary Jean Altamarino o mas kilala sa pangalang “Undang”, ay nagdiriwang ng kanyang ika-4 na taon sa Iglesia. Taong 2003 ng maging myembro at isa sa mga kasama na talaga namang maasahan. Mawawala lang ito sa mga function kung may sakit. Napakamasunurin ng kapatid na ito. Ang swerte nga n’ya kasi bago-bago pa lang s’ya noon sa NDC (mga dalawang linggo pa lang) nang sumama s’ya sa outing ng grupo sa Morong, Bataan. Nagkataong naroon din sina kapatid na Eli at kuya Daniel. Walang ibang tao sa resort kaya’t na solo namin sina ingkong at kuya. Doon namin unang naranasang maawitan ang ating mga tagaakay. Maraming mabubuting bagay ang nangyari sa grupo, masasabi kong isa ito sa “pinaka” sa mga iyon. Kaya’t sa ‘yo Undang huwag ka sanang magsasawa. Isipin mo na lang ang mga magagandang alala na gaya nun. Panatilihin mo ang may mababang kalooban. Keep it up! We love you!

Taong 2004, si Adamrel Maderal o “Bro. Adam” ay isa sa mga hinugot ng NDC mula sa local choir. S’ya ang kasalukuyan Pangulo ng KKTK sa Distrito ng Norte at isa ring nagmamanggagawa. Si Adam ay isa sa mga kapatid na masayahin at minsan makulit din (’pag nasa mood). Kahit na busy s’ya sa kanyang iba pang mga tungkulin ay siniskap pa rin niyang makasama sa grupo kung may pagkakataon. Sa iyo Adam, nawa’y manatili kang isang huwaran sa mga kasama nating kabataan. Panatilihin mo ang pagmamalasakit at pagmamahal sa grupo, gayun din sa buong kabataan ng distrito. God bless!

Isa sa mga bass, si Rhandy Perez o Rhandz ay napabilang sa grupo taong 2004 ng siya ay mag-audition sa grupo. Masasabing napaka soft spoken ng kapatid na ito, pero ‘wag ka, madaldal yan pag dating sa text at chat. Tama ba? S’ya ang Zone 4 Local Choir Coordinator ng NDC. Sa iyo Rhandz, nawa’y mapagpatuloy ka pa at mapanatili mo ang may mababang kalooban. God Bless!

Ang kasalukuyang Vice President, si Steven Wong ay nagdiriwang ng kanyang ika-7 taon sa Iglesia. Taong 2004 ng siya ay mapabilang sa NDC. Ang isa sa dalawang bistik. S’ya rin ang kasalukuyang head ng Business and Finance committee ng NDC. Ang lupet di ba? Sana ‘wag kang magsasawa bro. Hangad namin na makapanatili ka sa iyong tungkulin. Sana patuloy mo pang pagmalasakitan at mahalin ang grupo. Dalangin namin na lahat ng mabuting panukala mo ay matupad. God bless & Keep it up!

Ang pinkamatanda sa NDC, si Edwin Camato o mas kilala bilang “Hagors“, taong 2001 ng mapabilang sa grupo. Sa tulong at awa ng Dios ay nakakapagpatuloy pa rin sa kabila ng ng kanyang edad. Isa sa mga hindi makakalimutan pangyayari ay ng minsang ipahawak sa kanya ni Meow ang paper bag na may laman na sapatos. At ang paper bag na iyon ay naiwanan ni Edwin sa jeepney, nagulat pa sya ng nakita nya si Meow at saka naalala yung paper bag (hahahaha). Walang nagawa ang Pusa kundi unawain ang Edwin dahil sa “Memory Gap”. Sa kasalukuyan s’ya ang “Chairman”. Bakit chairman? Kasi sya ang head ng Physical arrangement and man power committee ng NDC. Pinakamalupit! Ibig sabihin, kaya chairman kasi taga ayos ng bangko. Wehehehe! Kaya’t sa ‘yo Hagors, lagi ka sanang uminom ng Enervon Prime (para walang nang memory gap like me!). Patuloy kang magbantay “Super Lolo”. God bless.

Si Michael Bulan o “Mikaela” ay nagdiriwang nga kanyang ika-7 taon sa iglesia. Taong 2001 ng mapabilang sya sa grupo. Sobrang nakakamiss ang kapatid na ito dahil sa hindi na namin s’ya nakakasama sa ngayon. Siya’y nagtratrabaho sa abroad. (Magpadala ka naman ng chocolates at pondo for us, pambihira!). Sana’y mapagpatuloy ka kahit na malayo ka sa amin, basta andito lang kami, nandiyan ka… Hehehe. We miss you so much “Pirena“. We’ll be waiting for you. Gusto na namin na makasama ka ulit sa awitan. God bless.

At ang huli, si Nancy Santos a.k.a. “Divine Mercy“, nagdiriwang din ng kanyang ika-7 taon sa Iglesia. Bakit nga ba Divine Mercy? Hawakan nyo s’ya sa kanyang palad at malalaman nyo kung bakit. Taong 2002 ng mapabilang sya sa NDC. Si Nanz ang kasalukuyang Assistant Treasurer ng grupo. Isa sa mga kapatid na alam namin na nagmamahal at nagmamalasakit sa grupo at sa bawat isa sa amin. Ipagpatuloy mo yan Sis! Makapanatili ka sana bilang isang masiglang mang-aawit na gumaganap ng kalooban N’ya. Marami ng pinagdaanan ang kapatid na ito kasama ang grupo. At sa lahat ng pangyayari na naranasan n’ya, yun ang nagbigay dahil kung bakit magpahanggang ngayon sa tulong at awa ng Dios ay nakakapanatili pa din sya sa tungkulin. Sana patuloy mo pang pagtitiis, mahalin at pagmalasakitan ang grupo. We love you Divine. God Bless.

Sa aming mga kasamang nagdiriwang ng kaarawan sa espiritu sa buwan na ito… Maligayang Kaarawan sa inyong lahat! Sana loobin ng Dios na lumaon pa ang mga taon sa inyong paglilingkod. Salamat sa Dios at niloob N’ya na tayo ay magsama-sama sa grupong ito. Salamat sa Dios sa lahat ng ating mga pinagsamahan… sa mabuting pagkakaibigan. WE LOVE YOU!!!

3G

3G - UNTV 3rd Anniversary

Go visit the website.

Kami Naman Blog

Kami Naman, a one-year old live magazine sitcom program that airs Saturday and Sunday on UNTV37. Hosted by Ms. Natasha Ledesma, Bentot Jr., Ehlite Tan, Robbie Packing, Ryan Ramos, Dr. Saguin, and Yumi. Also starring are Rikrik Sabick, Adjes Carreon, Amor Tadas, and fresh talents that will trigger your laughter.

Visit KAMI NAMAN on Wordpress.com. Also, check out their About page for DSR Congressman Daniel S. Razon photos.

Happy Teachers Day?

Maligayang kaarawan Prof. Rj, Godbless!

Si Arnel Rollon o mas kilala bilang Arn-arn. Ang besfriend ni Gilbert. Kabilang sa 2001 batch. Isa sa aming best tenor. Sa ngayon ay kasalukuyang miyembro na ng National Choir. Marami syang masasayang alaala sa NDC. Kabilang sya sa mga kasama na naawitan si Kapatid na Eli sa Morong. Memorable sa kanila ni Ana ang petsang May 11, 2004 dahil mismong birthday nila ng naawitan namin si Bro. Eli. Sa iyo Arn, binabati ka namin ng isang maligayang kaarawan. Kahit madalang na tayong magkita at magkasama, hindi namin nakakalimutan ang lahat ng masasayang araw noong kasama ka pa namin. Sana’y mapagpatuloy ka lang sa NC. Keep it up. Godbless and we miss you.

Si Karen Rose Villaflor Reyes, ang “Absalam” at modelo ng NDC. Maraming masasayang alaala ang naiwanan ni karen sa grupo. Una na syempre ang “MORONG” at “BICOL” out of town namin. Kaya madalas kaming lumabas noon kasi syempre kasama pa namin si Karen. Ang aming manager pagdating sa mga gastos. Hehehe. Ngayon, pulubi na kami kasi noong 2004 ay isa s’ya sa mga hinugot sa Metro Manila Division Choir. Nakakamiss ang kapatid na ito. Madami kasing masasayang alaala ang iniwan nya sa NDC. Lahat ng tawanan at kulitan, asaran pikunan. Minsan ka partner ko pa ito sa pang gogoodtime sa mga kasama. Ang memorable performance ni karen sa NDC? Syempre nung kinanta nya yung Top of the World. The best ‘to. Si Karen napagsolo namin. Ang lupet ‘di ba? Ngayong May 14 ay nagdiriwang si karen ng kanyang ika walong taon sa Iglesia. Hangad namin na makapagpatuloy ka pa sa iyong paglilingkod. Sana muli tayong magkasama ulit na umaawit, hindi man dito sana dun sa langit kung loobin na parepareho tayong maging dapat. maligayang kaarawan sa iyo. God bless you. Ingat ka palagi.

Si Ana Camato ay nagdiriwang ng kanyang ika-anim na taon sa Iglesia. Taong 2002 buwan ng Disyembre ng mag-audition sa NDC, awa ng Dios sya naman ay nakapasa (syempre lahat tinanggap sa audition). Isang kapatid na sa unang tingin aakalain mo ay tahimik at mahiyain pero sa ang katotohanan ay madaldal. Kahit hindi na siya ang kinakausap, nagsasalita pa rin at kahit hindi naman siya ang tinatanong, sumasagot pa din yan. Isa sa mga alto’s ng NDC. Noong una mahiyain yan, hindi naririnig pag kumakanta. Pero ngayon? Asus improving na, humahataw na sa voicing. Ang Lupet! Office girl na rin yan ngayon sa Ortigas! Mahilig manghampas at mahilig sa mga cameraman. Gusto yatang mag ADDPRO! Joke. Hehehe. Sa iyo Ana, maligayang kaarawan. Sana’y mapagpatuloy ka pa din. Huwag ka na lang tumingin sa mga pangit na nakikita mo tingnan mo yung mabuti. Keep it up. God bless you. We love you “TIRADOR”.

Si Herbert Espena a.k.a Boy Noo, Kalbo, Atay at ang bagon nyang alias “Forehead”. Yan ang tawag sa kanya ng kanyang mga kasama sa Ortigas. Kabilang sa batch 2001, s’ya ang kasalukuyang Vice President ngunit matagal na panahong naging presidente. Ang soloist ng grupo. Masaya kasama itong si Embet dahil makulit at lalo na pag nasa mood. Ang paborito nyang asarin ay ang paborito rin ng lahat, walang iba kundi ang “matured” na si Menggay. Isa si Embet sa mga kasama na alam namin na totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa grupo. Isa sa mga kasama na kahit hindi magsalita, mararamdaman mo ang kanyang pagmamahal dahil sa kanyang mga ginagawa. Alam namin na mahal mo kami, ang grupo. Sana wag kang magsasawa. Sana lahat ng mabubuting panukala mo para sa grupo, matupad. At loobin Nya sana na magkasama sama pa tayo dito sa NDC ng marami pang taon. Patawad din sa lahat ng mga naging pagkukulang namin sa ‘yo. Sa lahat ng sama ng loob na naidulot namin sa ‘yo. Happy birthday ‘tol, magpakatatag ka pa. Godbless you. Mahal ka ng NDC.

Ninoy

Happy birthday Ninoy!

Happy 43rd birthday, Ingkong

Words cannot express how thankful we are to GOD to have met someone like you. We pray for your safety, strength and for wisdom, as you continue to serve our Lord and his people. Maligayang kaarawan po.

WE LOVE YOU!!!

April 7, 2007 by admin | No comments

Birthday ni Madam

Yehey, holiday ngayon dapat walang pasok. Dahil birthday ni Her excellency.. Michelle Fernandez a.k.a Madam. Bakit nga ba Madam ang tawag sa kanya? Hmmmnnn. According to Vinzhor, kamukha daw nya si Madam President. Hindi si GMA ha, si Ate Glow. Ang saya saya noh? Pero hindi bading si Madam (mukha lang) ops, peace tayo. Binansagan s’yang Madam kasi nuong minsang pauwi na sila galing sa destino, sinabihan sya ni Bong na ka boses daw niya si GMA. Eh kasama rin nila si Vinzhor nun, so hayun ginatungan na ng Vinzhor. Kaya kinabukasan Madam na ang tawag sa kanya.

Si Madam ay napabilang sa NDC taong 2003. Isa sya sa mga nag-audition ng taong iyon. Si Madam, sa unang impression eh, kung hindi mo s’ya kilala ay maaring akalain mong tahimik at mahiyaing tao. Pero sa totoo lang, ay napakakulit at maingay ang babaeng ito. Sobrang lakas ng boses, kahit harapan na kayong nag-uusap. Palaging s’yang high energy ‘pag nasa mood pero sobrang tahimik naman kung badtrip, lalo na kapag mayron s’yang… topak. Ang lakas din nitong mang-asar at sobrang sakit mangurot. H’wag kayong makikipagharutan diyan kung ayaw n’yong magka pasa gaya ng ginawa nyan sa braso ni Bong. Si Madam ay isang kapatid na nabiniyayaan ng maraming talento. Natatandaan ko nuong inawit nya yung “You light up my Life”. Pano nga ba yon? So, so, so many nights… Ang daming “so” nun ha. :shock: Mahusay din yan kahit sa sayawan kahit na mala-toothpick ang katawan. Saan ka pa?

Pero sa likod ng kanyang kakulitan at kaingayan, isa syang kasama na maaasahan. Kahit na pagod at puyat dahil sa trabaho nya sa call center eh pinipilit pa rin nyang makasama sa mga funtions ng grupo. Kaya mula sa aming lahat, binabati ka namin ng isang maligayang kaarawan. Nawa’y mapagpatuloy ka sa NDC. Nandito lang kaming mga kasama mo. Mahal ka namin Madam. God Bless you!


« Older entries

Countdown

30 days until
North District Choral Competition
15 days until
North District Music Ministry Pasalamat

Login

Subscribe to NDC blog



Listen

Emobox!

Users Online

Kaloob

Minsang sinabi ng Pantas...

Kung nagagalit ka sa kapatid, hindi Dios ang nagpapaisip niyan sa ’yo.

Random Photos

Youtube Videos

Login