Lyrics

You are currently browsing the archive for the Lyrics category.


Iisa

Sa tuwing tayo’y magkakahiwalay,
bawat paalam ay may lumbay
‘Di maiwasang paghayo
Doon sa ibang dako,
batid kong muli’y magtatagpo

Pagkat iisa ang diwa
Iisa ang ating nasa
Na ang Ama’y bigyang lugod,
buong buhay ipaglingkod
at kahit na magkalayo
Dios sa puso ang nagbuklod

Ikaw ay aming kapiling sa alaala’t panalangin
Ikaw nawa ay lingapin kung lungkot ay sadyang kay lalim
Karamay mo kami sa iisang daing
na sana’y magtagpong muli
amagkasamang makamit
ang paraisong langit.

Salamat oh Dios Amang Maykapal
Bigay Mong sugo na tapat kung magmahal
Alam kong ‘di Ka magpapabaya
Dakila ang Iyong awa
at kahit saan magpunta Ikaw ay laging kasama

Dahil tayo ay iisa,
kahit mundo ay kabaka
Wala na ngang ibang makakapigil pa…

HOPE

Perhaps, it would be sweet
to fall asleep and will never awake
When all the pains and sorrows abound
often weary and down

Perhaps, it would be sweet
to find a moment relief
from worries I have within
Only to numb this aching wounded heart
and restless mind in a cold sleepless night

Teardrops fill my eyes time and again
and tomorrow seems another long tiring day
Wonder why it feels that
I have the world on my shoulder

But there’s something that kept me living
With all of my faith and a vow I have made to Him
Cause I know that I must bear,
I must endure this life that I borrowed
Waiting for the promise,
an everlasting life with you

So/Cause whenever it seems
that hope is slowly fading away
I gaze at heavens and beyond the stars
knowing You’re out there who could understand
By Your mercy and loving grace,
I know You’ll touch me with a caring hand
As long as I have trust in Your name
For You are my comfort,
the safe refuge of my soul

Perhaps, I’ll have to bring
all these along as I travel the road
To lead me in this journey to a place that I long
Into Your paradise I can call home

Glimpse of You has always been a dream
and to be with You, spending endless joy
Where all pains are gone and left behind forever

For Every falling tear
shall be treasure to keep
For every bitterness
shall be sweet to my taste
For every taunt I take
shall be glory and praise
Every suffering in my life
I’ll be thankful and gladly embrace

More than what life could bring
Hope will always be…
Only You

KARAPATANG PAPURIHAN

Tayo’y may karapatang ang Dios ay papurihan
Iba-iba man ang kalagayan at pinanggalingan
Basta’t aral ay tanggapin at magbalik-loob ka lamang
Purihin, purihin ang Dios ng kalangitan

Kaming mga lalake una sa listahan
May kaloob na lakas at paninindigan
Ang tungkuling pagpupuno’y samin iniatang
Kaya’t aming pupurihin ang dakilang Maylalang

Kaming mga babae ‘di rin pahuhule
Kami ay nilikhang katuwang ng lalake
Hirap na nararanasa’y ‘di mo rin masasabi
Aming pupurihin ang Dios na maluwalhati

Aay! Teka muna kami ay dinggin
Beauty ng mga charing ay ‘wag niyong iisnabin
Pagkat tao rin kaming may puso at damdamin
May karapatang ang Dios ay aming purihin

Hindi ba nakasulat sa awit ni David
Maging ang hayop at halama’y inutusan na magpuri
Lalo na kaming mga tomboy at bading
Kaya kami ay magpupuri, ilalakas ang tinig

Kaya, kaya, kaya, kaya
Halina, halina kayo
Awit namin dito ay alay sa Dios na totoo
Magsama-sama, sama-sama tayo

Ale, Ale-alelu, Aleluyah

Kami ay laging magpapasalamat
Sa tungkulin na Iyong ,binigay
Kami ay laging magpapasalamat
Ang aming buhay sa Iyo, iniaalay
Purihin Ka oh Dios, magpakailanman
Oh, HALELUYA!

Kahit napupuyat,
ang mata’y laging dilat
Di nagsasawa sa aming pagganap
Laging mayrong sigla,
Laging masasaya
Pagkat ang aming puso’y
Pinuno Mo ng ligaya

Ngayon ang takdang araw
Ng aming pag aalay
Sa pangalan Mo Ama
Kami’y sumasamba
HALELUYA!

Kahit nahihirapan
Ang lupang katawan
Nagagalak naman
Ang aming kalooban
Lagi lang may ngiti
Ang aming mga labi
Sa pagtuwang sa Gawain
Matuwid ang adhikain

Purihin ka Oh Dios
Purihin ka Oh Dios
Purihin ka Oh Dios

Magpakailanman, magpakailanman
Laging magaalay,
laging magpapasalamat
Sa Iyo Ama,
oh HALELUYA!

Please Login or Register to download files.

DOXOLOGY (english)

Glory be to God almighty
Praise be His begotten Son
Holyness, everlasting of the Spirit
in us dwell

Amen

ABOT-ABOT ANG SAYA

Marami ng dumaan
at ‘di na rin mabilang
mga bagyong nalampasan
sa lilim ng ‘Yong katwiran

Pagsubok na dumarating,
hindi na bago sa ‘min
Pangako Niya sa itaas,
‘yan ang tiwala namin

At kahit na napipighati,
heto pa rin nakangiti
Tanging hangad
sa tulong Mo Ama’y
makamtan ang aming kaligtasan…

Wooh, aming Dios ng Israel
Abot-abot ang saya
Ngalan Mo’y sinasamba

Wooh, aming Dios ng Israel
Sama-sama’t nagkaisa
Nagpupuri sa ‘Yo Ama

Ito ang aming alay,
sampu ng aming buhay
Gabay Ka naming tunay,
hanggang sa magtagumpay

Sa gitna ng pangamba,
aming ibinabandila
Ang aral Mo at salita,
yaman ng puso at diwa

Tayo na kapatid,
ilakas ang tinig
Pag-asa ay ipabatid,
magbuklod, magkapit-bisig

Ang aming nais,
makapiling Mo
Ayaw na naming
mawalay sa ‘Yo, oh…

Pagkat sa ‘Yo Ama nagmumula
pagpapala na buong ganda

Paglingap Mo sa ‘amin ay ibang-iba
Pag-ibig Mong dakila ay damang-dama

SALAMAT OH DIOS

Salamat, salamat oh Dios

Salamat, salamat oh Dios
Pag-ibig Mo ay ‘di masayod
Kahit na kami ay nagkukulang
Sapat Kang lagi sa aming buhay

Umaamin kami sa ‘Yo
‘di lubos kaming nakakaiwas sa mga tukso
Dahil sa kahinaan
nitong aming lupang katawan

Sa mga panganib ay iniligtas Mo
‘Di Mo rin pinabayaang
manghimagod ng husto
sa mga kabanalan
Kahit marami ang mga hadlang

Ang damdamin at puso sa Yo’y laan
Oh Ama at Hesus na aming mahal
Iibigin Ka hanggang wakas,
ng Iyong bayan

Salamat, salamat oh Dios

Dati-rati kami ay naliligaw
Dagling sumusunod kung san umagos ang layaw
Alipin ng sala sa tanang sanlibutan
Ang buhay namin ay walang pinatutunguhan

Ngunit ng sandaling aming marinig
Ang aral Mong dala ng sugong tapat magmalasakit
Unti-unting nabago pati ng lakad at pag-iisip
Kasabay na ibinilang kami’y tupa Mong nangawaglit

Nais lamang Amang sabihin sa Iyo
Salamat sa lahat ng mga biyaya Mo
Puso’y nagagalak, puso’y natutuwa
Pagkat nadarama na ka’y lapit Mo t’wina

Sa loob ng Iyong kawan kami’y kinalinga
Inaalalayan sa tuwing kami’y nadarapa
Anumang pagsubok ang sa buhay ay dumaraan
Buong pagtitiwalang ‘di Mo pinababayaan

At sa ‘ming pagtawag ‘di Mo nililimot
Sa bawat suliranin Ikaw ay may handang sagot
At kahit minsan ay hindi Ka nagkukulang
Palagi Kang sapat ito ang aming nalalaman

Kay palad namin at Ika’y nasumpungan
Pinili Mo kami ng higit sa kaninoman
Pagasa’y nahawakan mula ng makilala
Lingkod na hinamak binigyan Mo ng halaga

Ngayon kami Ama ay nagmamapuri
Isisigaw sa mundo Ikaw ang sa ami’y naghahari
Aming paglilingkuran at nawa’y manatili
sa tungkuling tinanggap hanggang ang buhay mapawi

Salamat sa lahat ng
kabutihan Mo,
pag-iingat Mo,
pagpapala Mo

Sa Iyong basbas,
sa pagliligtas,
pag-ibig na wagas
na hindi kumukupas

Sa pagkukupkop,
pagpapahinuhod,
kagandahang loob
na ‘di masasayod

Sa ‘Yong katuwiran,
kapayapaan,
sa awang nakamtan,
sa ‘di na namin alam…

Aleluya

OH, KAY SARAP MAGING ANAK

Narito kami nagpapasalamat
sa kabutihan Mo at pag-iingat
Wagas na pag-ibig aming namalas
Oh, kay sarap maging anak

Bayan Mong hirang sa silanganan,
nagkapisan at nagdiriwang
Sa kadakilaan mong taglay
kami’y nagpupuri sa ‘Yo Ama

Nagagalak ang kalooban
pagkat sumapit ang inaasam
Pagpapasalamat sa Iyo
ng bawat lingkod Mo

Sana’y ‘Yong mapagdamutan
pasalamat na aming alay
Tanggapin Mo aming kaliitan
sana’y ‘Yong pakinggan

Isang buong taon ganap na lumipas
Ngunit ang pag-ibig Mo ay ‘di kumukupas

Kay rami mang suliranin,
sari-saring mga paghadlang
Puso nami’y nagagalak
sa ‘Yong pagmamahal

Ama, salamat po

Sa ‘Yo Panginoon kami’y nanganganlong
Sa lahat ng panahon, sa bawat pagkakataon

MGA LINGKOD MO

Mga lingkod Mo kami dito sa bayan Mo
Salamat sa I’yo, Ama’y tulungan Mo
Sana ay hanggang wakas kami’y Iyong I’yo

Tinawag Mo kami Ama sa iglesiang ito
Pinag-isa aming puso dahil sa aral Mo

At kahit na mayroong hirap maglilingkod parin sa ‘Yo
At kahit na buong buhay ilalaan sa ‘Yo

Pangako Mo sa’min Ama ngayon at kailan man
Ang magtiis hanggang wakas ang syang maliligtas


« Older entries

Countdown

29 days until
North District Choral Competition
14 days until
North District Music Ministry Pasalamat

Login

Subscribe to NDC blog



Listen

Emobox!

Users Online

Kaloob

Minsang sinabi ng Pantas...

Dapat magsanay ka sa pakiramdam, ng pag-discern ng mabuti at masama para lumapit man sayo ang masama, makakalayo ka.

Random Photos

Youtube Videos

Login