Tot-torot-tot!

You are currently browsing the archive for the Tot-torot-tot! category.


7th International Music Summit Winners

KKTK Division Choir Category

Champion: Mindanao KKTK Division Choir (93%)

1st Runner-up: North 2 KKTK Division Choir (90.3%)

2nd Runner-up: Bicol KKTK Division Choir (86.7%)

                          Rizal KKTK Division Choir (86.7%)

 

KKTK District Choir Category

Champion: Metro Manila North KKTK District Choir (93.7%)

1st Runner-up: Cavite North KKTK District Choir (87.3%)

2nd Runner-up: Bicol Camarines Sur North KKTK District Choir (85.7%)

 

Men’s Choir Category

CHAMPION : LBMR Men’s Choir (85%)

1ST RUNNER-UP : Bicol Men’s Choir (84.3)

2ND RUNNER-UP : Pampanga Men’s Choir (84%)

 

Women’s Choir Category

CHAMPION : Metro Manila Women’s Choir (92.7%)

1ST RUNNER-UP : LBMR Women’s Choir (91.7%)

2ND RUNNER-UP : Central Women’s Choir (90.7%)

 

KKTK Local Choir Category

CHAMPION : Metro Manila West and Central District Locale Choir
N.Zamora, Capitol, Veterans and Parola (91.7%)

1ST RUNNER-UP : Rizal West District Locale choir (Kapalaran) (86.7%)

2ND RUNNER-UP : Bicol Locale Choir (Buluan) (86%)

 

Band Category

CHAMPION : Metro Manila Central District Band (94.3%)

1ST RUNNER-UP : Quezon Marinduque Division Band (88%)

2ND RUNNER-UP : LBMR Division Band (87%)

 

Number of IMS attendees (including abroad): 12, 912

 

Congratulations to all the winners!

To God be the glory!

October 14, 2007 by admin | No comments

May panibagong mga pangyayari ang naranasan ng grupo. Mga nakakatawa, nakakainis, nakakaiyak, pero ang pinaka masayang bahagi ay ang saya na naramdaman ng bawat isa ng muli kaming nabigyan ng pagkakataon na maawitan ang ating mga taga akay… Kaya eto kwento na ang Lulah.

Meeting place namin sa edsa 7:00 am daw. Asa ka pa sa NDC na halos lahat dadating sa usapang oras. Kasama sina Embet, Vinzhor, Jon, Gilbert, Randy, Mark, Jerald, Ninoy, Bong, Nanz, Macy, Madam, Analou, Essie, Meow, Jean, Nica, Aiza, Lei, Arlene, Menggay at ang inyong lingkod. Guess what, kung anong oras kami nakaalis sa edsa? Mga 10:00 na po. Sa tulong at awa ng Dios ay nakarating kami sa apalit, nakaabot pa din kami sa panalangin. Mahabang oras kaming naghintay. Nagkaroon muna ng pag-eensayo ng awit “Hawak Kamay” sa pangunguna ng aming poging diva na si Arlene. Sa haba ng aming paghihintay ay naisipan ni Boy Noo na umawit muna sa mga babaeng bao. Ang saya ng naging awitan. Nakakatuwang makita ang mga loala at lolo na umaawit at nagsasayaw. Yung mga ngiti sa kanilang labi habang umaawit kami ay sapat na para makalimutan namin ang bawat problema, ang pagsubok na kinakaharap ngayon ng grupo. Ang saya kasi dalawang oras mahigit kaming nasa orphanage. ang tagal naming nakapiling ang mga matatanda. Nagkaroon ng jamming at syempre hindi papahuli si nanay Dalaga at nanay Kulot. Biruin nyo si Jon-jon po ay napasayaw ni nanay Dalaga! ha,ha,ha. Si Ninoy hinahanap ni nanay Kulot kaya lang ‘di nakita.

Login to view full post

KAPI Family DayPagkatapos, pumunta na kami sa assembly ng KAPI. Pinangunahan ng grupo ang pag-eensayo sa mga kapatid ng awiting “Hawak Kamay” na nilapatan ni Boy Noo ng mensahe patungkol kay kapatid na Eli. Siyempre, nanguna ang aming poging diva na si Arlene sa pag-awit. Maayos na po sana ang lahat ng si Boy Nganga also known as Boy Utot na ngayon (dahil sa nagsabog ba naman ng lagim sa loob ng van na aircon pa mandin!! Ang tindi ng amoy!) ay nanguna sa pagtuturo sa mga kapatid. Nagtanong ba naman kung nalilito ang mga kapatid sa tono ng last line ng chorus “KASAMA MO ANG KAPIANS” hindi naman nalilito ang mga kapatid, siya lang ang nagtanong at kinorek ang tono. Nang inawit na ni Boy Nganga ang last line… SYA ANG WALA SA TONO!!! Ha,ha,ha. Hindi tuloy namin napigilan ni Meow na matawa talaga.

MORAL LESSON: H’wag magmarunong ‘pag hindi talaga alam ang tamang tono!

Ang pinakamasayang bahagi ay ng marinig namin ang tinig ng ating mga mangangaral si kapatid na Eli at kuya Daniel. Napakaraming bagay ang ipinaunawa nila sa lahat ng mga kapatid na nandun sa pamamagitan ng kanilang mga mensaheng nagbigay inspirasyon sa bawat isa sa amin. At isang pangyayaring hindi na naman namin makakalimutan, ng pangunahan ng grupo ang KAPIAN’s na awitan si Ingkong at Kuya. WOW! Ang saya talaga. Kahit hook up lang ‘yon at ‘di namin sila nakikita ng harapan masayang-masaya kami dahil alam namin na nakikinig sila habang umaawit kami at ang mga Kapians. ‘Di ko kayang letrahan. Sana’y magsilbing inspirasyon sa grupo ang mga pangyayaring ito. Ang bait ng Dios talaga, dahil ng may dumating na “MALAKAS NA BAGYO” sa grupo, hindi Niya kami pinabayaan at muli N’yang pinasikat sa bawat isa sa amin ang “ARAW” Isang napakaganda at napakaliwanag na araw at yun ay ang pangyayaring ‘di namin makakalimutan.

Ooops teka, masyado na yatang madrama ang Lulah (wala lang sarap lang magkwento kasi, kaya pagbigyan nyo na ‘ko) O, para matawa naman kayo, si Menggay naman ngayon ang bida… Pagkatapos ng gawain sa KAPI, syempre, umuwi na kami at sabay lahat ng girls kasama si Ate Genesis at Ate Abi. Teka hindi pala lahat ay girls may nahalong isang gay at boy, si Vinzor at Jerald. Siyempre hindi maiiwasan ang kwentuhan at tawanan habang bumibiyahe kami at sa pagkakataon na ito ay muli na namang nagsabog ng butil ng katatawanan si Menggay. Ganito kasi yon, si Ate Gen tinanong si Menggay kung anong masasabi niya kay Sis Abi, ano ang maipapayo niya in behalf ng NDC dahil sa nag birthday nga si Abi. At ang Menggay walang preno na nagbigay naman ng kanyang mensahe. Nagpayo ba naman sa manggagawa (he,he,he). Nagtanong ulit si Ate Gen, ano maipapayo niya kay Abi dahil madami nga daw boys na umaaligid at nagpaparamdam sa kaniya. Aba’t ang Menggay nagpayo na naman. Ganito ang sinabi niya “Deadmahin na lang NATIN”. Nagtanong si Ate Gen bakit natin? Sumabat ang Lulah; oo nga bakit natin, bakit may umaaligid din ba sa iyo??? At ito po ang pinakakwelang sagot ni menggay na hindi kinaya ng powers namin… “E KUNG SABIHIN KUNG MERON???” Bwahahaha! PANALO ang Menggay!!! Sabi ni Vinzhor mga insekto daw yun. Haaay naku, ang sakit ng tiyan namin sa kakatawa.

…At diyan nagtatapos ang kwento ng Lulah. Masayang maala-ala at balik-balikan ang mga pangyayaring ganito. Salamat sa Dios sa pagkakataon na patuloy Niyang ibinibigay sa grupo. Sana sa susunod ulit kung loloobin Niya.


Hawak Kamay (KAPI version)

Sa UNTV 37

with bro. Fred

December 17, Sunday. Destino kami sa lokal ng Tonsuya, Malabon. Nakakalungkot dahil kaunti lang kami, karamihan pa e trainees. Ang mga present ay sina Lei, Jean, Madam, Nancy, Macy, Nheng, Arlene, Aiza, Gary, Aldei, Mark, Steven, Rj, Ninoy, Rhandy at Jerald. Nasan kaya ang mga ibang mga regular? Hhmm… Pero sa awa’t tulong Nya, nakaraos naman po kami. Ang gara pa nga kasi nung intermission na, si Jerald ang humalili kay Embet sa pagsosolo. Nagkataong wala ang aming soloistang presidente. Ayos naman, kinarir ng baba ang pagso-solo. Nakakatuwa si Gary, pinanindigan nya ang pagiging CHIKITO nya. Nandun sis Charmie Joy Juan (ang aming coordinator), sya po ang destinong worker sa lokal na yun at si bro. Chris dela Cruz (ang bagong zone servant ng Zone 1 at Zone 4).

Pagkatapos umawit sa Tonsuya, pumunta kaming UNTV 37. Grabe, ubos ang kayamanan namin. Nag-commute lang kasi kami. Na datnan namin sina kuya Embet, Bong, Shukran at Ana. Nakausap namin si sis. Sheryll Jimenez, (isa sa mga staff ng UNTV) to orient us. The best part of the day, we got a chance to talk with BRO. FRED. Saya! Sinulat ko ang ilan sa mga sinabi nya (maishare lang ng pusa)

“May mga panahon na humihiling ka sa Dios na bigyan ka nya ng chance upang makabawi dahil sa dami ng iyong naging mga pagkukulang. But God gives more than what you’ve ask for. Nagbibigay sya ng mas malaki pang gawain.”

“Minsan ang DIOS inilalagay muna ang Kaniyang lingkod sa isang grupo para mahubog. Pero later on, inililipat siya sa mas malaking gawain. Parang steping stone. Malay nyo, isang araw, magkita-kita kayo not as NDC, but as staff of UNTV. Working here in UNTV is not a request. It’s a PRIVILEGE.”

Bro.Fred told us so many important things. ‘Di ko n nga matandaan ung iba e, at isa pa, naawitan din namin ang kapatid. Ang saya talaga kahit na pagod ang katawan sa maghapong gawain. Sana loobing maulit uli ang ganitong pagkakataon… at sana kasama na namin yung mga wala.

Lamay sa Karuhatan

Prayer meeting sa lokal ng Ugong. Kaunti lang ang nakapunta sa girls. Andun sina Meow, Grace, Jean (welcome back, buti magaling ka na!) Essie, Nalu at ako. Sa boys, andun sina Criz, Edwin, Aldei, Tai, Ninoy, Randz (ang dami bass!!!) si Emerson, Steven, Alien at Gary. Hay naku, Pusa ba’t wala si Tom tom? Ano kaya nangyari dun?

Pagkatapos ng prayer meeting pumunta kami sa lamay ng kapatid na taga Karuhatan. Nakita din namin si Malou at Roger doon. Inawit namin ang Sa Iyong mga yapak, The Lords Prayer, Tala, Pag-asa at Sulok… Salamat sa Dios sa isa na namang pagkakataon na ibinigay Nya sa araw na ito. Sana bukas ulit kung loloobin Niya.

Protected: Sunday activities at sa lokal ng Sta. Ana

This post is password protected. To view it please enter your password below:


Pasalamat 12/02/06

Marami sa mga kasama ang nakapunta sa araw ng pagpapasalamat. Nakapunta ang ilan sa mga kasamang lalaki gaya nila Gilbert, Gary, Steven, Vinzhor, Embet, Criz, Aldei, Randy, Rj at Jerald. Sa mga babae naman ay nakapunta sina Meow, Lei, Neng, Aiza, Macy, Madam, Analou, Grace, Judith at Mhinnie. Salamat sa Dios at muli na namang nakabahagi ang grupo sa gampaning ito.

Outdoor meeting?

Lunch break, nagkaroon ng meeting ang music ministry ng North sa pangunguna ni bro. Embet sa likod ng bagong stage. Ang mga pinag-usapan ay ang patungkol sa remittance ng ASOP sponsorship tickets (salamat sa Dios at naging matagumpay ang gawaing ito!), paghahanda sa nalalapit na pasalamat ng buong kapatiran at National Music Summit (walang pang date, pero ang sabi ay pagkatapos daw ng pasalamat ng kapatiran), pagkakaroon ng mga bagong NDC zone coordinators at bagong destinong NDC sa bawat lokal.

Pagkatapos ng meeting ay pumunta ang NDC sa KAPI office upang maghandog ng awit sa mga kapatid na November Celebrants sa pangunguna ni kapatid na Dodie (KAPI National President). Naging masaya ang awitan dahil sa muli na namang inawit ni Vinzhor ang “Papa ka ba?”. Tawa ng tawa ang mga kapatid na nasa loob ng kwarto at ang kulit pa ni bro. Niel (KAPI KKTK President) dahil nagpapatawa siya habang umaawit kami at panay pa ang request na awitin namin ang “The Prayer” na hindi naman nagawa ng grupo dahil ‘di pa yun napag-aaralan. Salamat sa Dios dahil sa maliit na paraan ay napaligaya namin ang mga matutuwid na kapatid na ito na buong pusong sumusuporta kay kapatid na Eli sa pagpapalaganap ng gawain.

Pagkatapos ng pasalamat ay umawit ang grupo sa mga babaeng bao sa orphanage. Naghandog kami ng dalawang bilang ng tanging awit at pagkatapos nun ay umawit na din ng congregational singing para sa pagkakatipong pagsamba ng mga babaeng bao.


« Older entries

Countdown

30 days until
North District Choral Competition
15 days until
North District Music Ministry Pasalamat

Login

Subscribe to NDC blog



Listen

Emobox!

Users Online

Kaloob

Minsang sinabi ng Pantas...

How can we destroy Satan, kung mismong ang mga maling gawa natin ay di natin kayang gibain?

Random Photos

Youtube Videos

Login