Ubos ang kaperahan!!! Pano ba naman wala kaming service papuntang lokal ng Sta. Ana kanina kaya ayun, commute to the max ang ginawa namin. Si Gilbert first time sa MRT!!! Ganito kasi yon, papasok na kami syempre may card lahat inabutan na ng card. Si Gilbert nasa likod kasi kaya siya ang huling pumasok. Buti na lang lumingon ang lola at nagulat sa nakita dahil ng pinasok na ni gilbert yung card, abat direderetso at iniwan yung card (buti na lang talaga nakita namin at kinuha nya ulit yung card). Ito ang matindi, e ‘di nasa Boni station na kami bababa na ang lahat syempre may exit at ilalagay ulit yung card para makalabas, e nahuli na naman si Gilbert kaya tiningnan na namin kung ano gagawin nya aba’t nung pinasok ang card, hinihintay nyang lumabas at sinilip pa nya talaga. Tawa tuloy kami ng tawa. Iba ka talaga Tom-Tom.
Eto ang hindi kinaya ng powers namin. Sa lokal ng Sta, Ana, ang bida dito si Hagors. Ang dami naming inawit (concert nga e), pano ba naman nakakatuwa yung mg kapatid. Eh ‘di inawit na namin yung “Hinahanap-hanap Kita”, si Jerald ang nag-solo, at doon sa part ng narration pinalitan ni Je, yung sinabi nya ginawa nya ginaya nya yung announcer na nagpapakilala kay Manny Paquiao. Hulaan nyo kung sino ang lumabas na Manny Pacquiao? Si Hagors at ang matindi pa nito, pumorma pa, sumuntok suntok at pagkatapos sabay itinaas ang isang kamay na mala superman ang dating. Super Lolo ang drama!!! Nakakatawa talaga, lahat kami ‘di namin napigilang tumawa nahinto nga yung pag-awit e. Pambihira talaga si Hagors…
Umuwi kami ng mga bandang 10pm na ng gabi. Nakakapagod sa laman, pero sa pagkataong loob masaya sa pakiramdam. Sabi nga ni Ingkong;
“Masarap mapagod, it is very consoling to the soul. Lalo na kung ang bagay na pinagpapagalan mo ay bagay na banal sa Dios.”
Salamat sa isang buong maghapong makabuluhang paggawa. Sana bukas ulit kung loobin Nya.
Tags: Kwento ni Pop Lola
ndc.jpg)













































