Judith, Through the years
Si Judith Disoy, also known as “Dugyot” ng NDC. Sa buong grupo, siya ang pinakamaliit at ang pinakamatanda sa espiritu. Biruin nyo naka isang dekada na si Judith sa iglesia at walong taon sa NDC. Ang tagal non ah. In short, inuugat na sya dito sa NDC. Sabi nga ni Vinzhor “You dont have the right to take a rest, remember you are the ROOTS of these group” (Ano daw???) Marami-rami na ring ang pinagdaanan ng aming Dugyot, isa s’ya sa mga naging unang miyembro ng NDC. Kaya’t nakita nito ang naging ibat-ibang mukha ng grupo mula pa sa simula hanggang sa ngayon. Marami-rami na ding nasuot na uniform yan. I-click nyo na lang ang picture sa ibaba. Koleksyon nya mismo yan. Hmmn… Parang damit ng manyika.
Naaalala ko pa nga (kwento lang ng konti ang Lulah), nuong panahong nasa locale choir pa ako, ang impression ko kay Judith noon ay suplada at mayabang. Akala mo kung sino, hindi namamansin at mataray ang dating. Pero noong naging miyembro na ako ng NDC, napatunayan kong… TOTOO nga (Joke!!!) Kaya nga natuwa ako ng sobra at naging malapit ako sa kapatid na ito. Masayang kasama at kabiruaan. Tatawanan ka lang niyan pero pag napikon yan eh nakupo, ‘di na yan mamamansin. At isang bagay ang hindi ko makakalimutan kay Dugyot, siyempre pag kumakanta yan, lalo na ‘pag english, lumalabas kasi yung pagka BISAYA nyan (ha,ha,ha) Peace tayo!!!
But kidding aside, isa si Judith sa mga inspirasyon namin dito sa grupo. Hindi biro kasi ang sampung taon. Kaya Dugyot, sana’y makapanatili ka pa rin sa tulong at awa Niya. Hangad namin ang pinakamabuti para sa yo. Be strong. We love you Dugyot! HAPPY BIRTHDAY!!! (ARU,ARU,ARU)
-
Subscribe to NDC blog
2 Comments
Leave a Reply


























































jerald
January 4, 2007 at 9:39 pm • Permalink
dalawa lang ang pwedeng pagpilian: Mabuti at Mas Lalong Mabuti
LEI
December 24, 2006 at 11:58 pm • Permalink
Maligayang kaarawan sa iyo kapatid ko….!!!