KARAPATANG PAPURIHAN

Tayo’y may karapatang ang Dios ay papurihan
Iba-iba man ang kalagayan at pinanggalingan
Basta’t aral ay tanggapin at magbalik-loob ka lamang
Purihin, purihin ang Dios ng kalangitan

Kaming mga lalake una sa listahan
May kaloob na lakas at paninindigan
Ang tungkuling pagpupuno’y samin iniatang
Kaya’t aming pupurihin ang dakilang Maylalang

Kaming mga babae ‘di rin pahuhule
Kami ay nilikhang katuwang ng lalake
Hirap na nararanasa’y ‘di mo rin masasabi
Aming pupurihin ang Dios na maluwalhati

Aay! Teka muna kami ay dinggin
Beauty ng mga charing ay ‘wag niyong iisnabin
Pagkat tao rin kaming may puso at damdamin
May karapatang ang Dios ay aming purihin

Hindi ba nakasulat sa awit ni David
Maging ang hayop at halama’y inutusan na magpuri
Lalo na kaming mga tomboy at bading
Kaya kami ay magpupuri, ilalakas ang tinig

Kaya, kaya, kaya, kaya
Halina, halina kayo
Awit namin dito ay alay sa Dios na totoo
Magsama-sama, sama-sama tayo

Ale, Ale-alelu, Aleluyah

Tags: ,

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Facebook
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • YahooMyWeb

Related Posts