LAGING PASASALAMATAN (North District Thanksgiving 2007)

Kami ay laging magpapasalamat
Sa tungkulin na Iyong, binigay
Kami ay laging magpapasalamat
Ang aming buhay sa Iyo, iniaalay
Purihin Ka oh Dios, magpakailanman
Oh, HALELUYA!

Kahit napupuyat,
ang mata’y laging dilat
Di nagsasawa sa aming pagganap
Laging mayrong sigla,
Laging masasaya
Pagkat ang aming puso’y
Pinuno Mo ng ligaya

Ngayon ang takdang araw
Ng aming pag aalay
Sa pangalan Mo Ama
Kami’y sumasamba
HALELUYA!

Kahit nahihirapan
Ang lupang katawan
Nagagalak naman
Ang aming kalooban
Lagi lang may ngiti
Ang aming mga labi
Sa pagtuwang sa Gawain
Matuwid ang adhikain

Purihin ka Oh Dios
Purihin ka Oh Dios
Purihin ka Oh Dios

Magpakailanman, magpakailanman
Laging magaalay,
laging magpapasalamat
Sa Iyo Ama,
oh HALELUYA!

Please Login or Register to read the rest of this content.

Tags: , , ,

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Facebook
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • YahooMyWeb

Related Posts