Happy Birthday Meow!

Mabuhay ang Pusa!

Ngayon ay nagdiriwang si Anne Michelle Tungol ng kanyang ika-anim na taong kaarawan sa Iglesia. Si Michelle o mas kilala sa tawag na Meow ay isang kapatid na masipag sa paggawa (tot-torot-tot!!!). Bakit kamo? Eh, san ka ba naman nakakita na kahit na nangingisay na habang umaawit eh, go pa rin ang pusa. Gusto nyo ng katibayan? Tanungin nyo mga kapatid sa lokal ng Deparo. And speaking of lokal ng Deparo, memorable na sa kanya ang lokal na yan. Palagi ata syang bida dyan, katunayan bida sya nung dumestino kami last January 28. Harharhar. Siya rin ang aming Soprano 1. Super yan pagdating sa biritan, lalo na nung kinanta nya yung “My heart will go on” walang sinabi si Celine Dion. Hahaha. Syempre makakalimutan ba namin yung “Hear for I’ll speak of excellent things…” with matching koryo pa. Feel na feel. Champion din yan pagdating sa bible preaching at english pa! Kaya san ka pa?

Si Meow naging member ng NDC taong 2001, at sa tulong at awa ng Dios ay nakakapagpatuloy pa rin. Natatandaan ko pa nga nung mga bago pa lang kami, napaka mahiyain ng kapatid na ito. Inosente ang dating. Siya ang pinakabatang naging member ng NDC. I think she’s only 14 that time. Neneng-nene at napaka inosente pa (daw). Pero ngayon, tanungin nyo ko? Nakupo’t napakadami na niyang nala-laman.

Pero sa seryosong pag-uusap, bilang kapatid, kasama at kaibigan, maasahan mo talaga siya lalo na sa paggawa. Sana mapanatili mo ang may mababang loob. H’wag lalaki ang ulo, delikado yun saka ang pangit e. Biruin mo yang payat mo na yan tapos sobrang laki ng ulo mo. Can you imagine that? Ang sagwa di ba? (Ay seryoso na pala dapat!).

‘Wag ka sanang magsasawa sa pagmamalasakit at pagmamahal na ibinibigay sa grupo. Mahal ka namin. Mahal ka ng lulah alam mo yan at alam ko naman na mahal mo kami, lalo na ang pag-awit. Kahit na hindi ka magsalita, nakikita namin yon sa ‘yong gawa. Kaya Meow, mula sa aming lahat isang MALIGAYANG KAARAWAN!! Keep it up!! GOD Bless. Mwwaaahhh!

Tags:

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Facebook
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • YahooMyWeb

Related Posts