March 23 Celebrants (Grace, Paul & Jerald)

Si Grace Comission a.k.a. Shukran, ang Gracia Arce ng grupo. Ang lufet noh? Teka, meron pa palang bagong alias to… “Angel”. Hindi Angel Locsin. Kundi Angel Lo Blanco! (Corny ba? Galing yan kay RJ yun). Siya ang long lost sister ni Sis. Genesis. Kabilang s’ya sa naunang Batch ng 2001. Naaalala ko pa, noong probationary pa lang kami, s’ya ang pinaka active noon,. Kahit na pipigilan pa siya ng magulang eh go pa rin. Nawala siya sa grupo ng halos isang taon dahil pumunta ng Dubai para magtrabaho. DREAM, BELIEVE, DUBAI! Yan ang naging slogan ni Shukran. Mahiyain at may pagkasensitib. Noon ngang minsang rehearsal, habang inaayos ang mga pwesto ng bawat isa, at sya na lang ang walang pwesto, tinanong nya si Embet “Saan ako” sinagot s’ya ni Embet “Doon ka sa kanto”. Aba’t ang Shukran nagtampo at nagwalkout ba naman at hindi lang sa kanto ng Edsa pumunta kundi sa kanto ng BS Kanan. Hahaha

Si Paul ay kabilang din sa batch 2001. Nakakatuwa itong si Paul kapag umaawit kami, pano ba naman ang lakas ng boses as in bass na bass talaga at may pagkakataon na nangingibabaw na siya at hindi nya napapansin. Malupet din itong mag choreo, mala robot. Hehe. Masipag at tahimik, pero kahit hindi na s’ya mag joke eh… nakakatawa na s’ya. Remember yung game nating B.E.A.M? Walang kumaya sa powers ni mo noon. Pati si Bong no match sa ‘yo. Eh yung “NORTHLIFE”? The best yun. Ang dami mo yatang naging fans dahil dun. Doon nga naiyak sa kakatawa si kuya Dennis. Apir.

Si Jerald Rumbaoa, ang kasalukuyang presidente ng NDC. Kilala na Boy Nganga, ang Mr. Swabe ng NDC at kilabot ng mga Kusita! Peace tayo. :mrgreen: Kabilang sa 2nd batch ng taong 2001. Masayang kasama at kausap. Sino ba ang hindi makakalimot sa ‘yong mga solo performances? Yung hagod ng boses, yung mga Mr. Swabe moves at syempre ang pamatay mong “Eternally”. Talagang todo bigay, may patalikod sabay harap pa. Ang lupeet!

Sa inyong tatlo, nawa?y magpagpatuloy pa kayo sa paglilingkod. Hangad namin ang pinaka mabuti para sa inyo. Paul, tuloy lang sa mas dakilang tungkulin na pinili mo. Sana lagi ka pa rin sumama sa amin kapag available ka. Grace, pasensya na sa lahat ng kakulitan at pang-aasar namin sa yo. Basta wala lang pikon. Ha?. Pero, iba ka na pala ngayon ‘di ka na medyo naaasar at gusto mo pang inaasar ka.. Aru,aru,aru. Sa aming presidente, susuportahan ka namin basta magpakabait ka lang. Sana’y magsilbi kang mabuting halimbawa sa bawat isa sa amin. Mga kasama binabati namin kayo ng isang maligayang kaarawan mga bisaya! God Bless you all. We love you.

Tags: ,

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Facebook
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • YahooMyWeb

Related Posts