Si Ana Camato ay nagdiriwang ng kanyang ika-anim na taon sa Iglesia. Taong 2002 buwan ng Disyembre ng mag-audition sa NDC, awa ng Dios sya naman ay nakapasa (syempre lahat tinanggap sa audition). Isang kapatid na sa unang tingin aakalain mo ay tahimik at mahiyain pero sa ang katotohanan ay madaldal. Kahit hindi na siya ang kinakausap, nagsasalita pa rin at kahit hindi naman siya ang tinatanong, sumasagot pa din yan. Isa sa mga alto ng NDC. Noong una mahiyain yan, hindi naririnig pag kumakanta. Pero ngayon? Asus improving na, humahataw na sa voicing. Ang Lupet! Office girl na rin yan ngayon sa Ortigas! Mahilig manghampas at mahilig sa mga cameraman. Gusto yatang mag ADDPRO! Joke. Hehehe. Sa iyo Ana, maligayang kaarawan. Sana’y mapagpatuloy ka pa din. Huwag ka na lang tumingin sa mga pangit na nakikita mo tingnan mo yung mabuti. Keep it up. God bless you. We love you TIRADOR!
Si Herbert Espena a.k.a Boy Noo, Kalbo, Atay at ang bagon nyang alias “Forehead”. Yan ang tawag sa kanya ng kanyang mga kasama sa Ortigas. Kabilang sa batch 2001, s’ya ang kasalukuyang Vice President ngunit matagal na panahong naging presidente. Ang soloist ng grupo. Masaya kasama itong si Embet dahil makulit at lalo na pag nasa mood. Ang paborito nyang asarin ay ang paborito rin ng lahat, walang iba kundi ang “matured” na si Menggay. Isa si Embet sa mga kasama na alam namin na totoong nagmamalasakit at nagmamahal sa grupo. Isa sa mga kasama na kahit hindi magsalita, mararamdaman mo ang kanyang pagmamahal dahil sa kanyang mga ginagawa. Alam namin na mahal mo kami, ang grupo. Sana wag kang magsasawa. Sana lahat ng mabubuting panukala mo para sa grupo, matupad. At loobin Nya sana na magkasama sama pa tayo dito sa NDC ng marami pang taon. Patawad din sa lahat ng mga naging pagkukulang namin sa ‘yo. Sa lahat ng sama ng loob na naidulot namin sa ‘yo. Happy birthday ‘tol, magpakatatag ka pa. Godbless you. Mahal ka ng NDC.
Tags: Birthday, Kwento ni Pop Lola
ndc.jpg)













































