Kapag dumarating na ang pagsubok
at ang puso ko’y parang dinudurog
Ikaw lamang Hesus ang S’yang pag-asa
May hirap man at mga pagdurusa
at kung minsan ay para ng luluha
Kapag naisip Ka na’y napapawi ang lahat
At magmula ng sumibol sa puso
ang mga turo at aral Mo
Biglang nagkaroon ng kulay
ang aking mundo
Isang umagang puno ng pag-asa
sa puso’t isip ko’y kapiling Ka
Anong ligaya kung may Dios na kasama
Kapag dumarating na ang pag-uusig,
ang mga pagod, hirap at sakit
Basta’t kapiling Ka lang
Hesus ng aming buhay
Tags: Lyrics
ndc.jpg)













































