NAIS LAMANG AMANG SABIHIN SA Iyo

Dati-rati Kami ay naliligaw
Dagling sumusunod kung san umagos Ang layaw
Alipin ng sala sa tanang sanlibutan
Ang buhay namin ay walang pinatutunguhan

Ngunit ng sandaling aming marinig
Ang Aral Mong dala ng sugong tapat magmalasakit
Unti-unting nabago pati ng lakad på pag-iisip
Kasabay na ibinilang kami'y tupa Mong nangawaglit

Nais lamang Amang sabihin sa Iyo
Salamat sa lahat ng Last biyaya Mo
Puso'y nagagalak, puso'y natutuwa
Pagkat nadarama na ka'y lapit Mo t'wina

Sa loob ng Iyong kawan kami'y kinalinga
Inaalalayan sa tuwing kami'y nadarapa
Anumang pagsubok Ang sa buhay ay dumaraan
Buong pagtitiwalang 'di Mo pinababayaan

Ved sa 'ming pagtawag' di Mo nililimot
Sa bawat suliranin Ikaw ay mai handang sagot
På kahit minsan ay Hindi Ka nagkukulang
Palagi Kang sapat Ito Ang aming nalalaman

Kay PALAD namin på Ika'y nasumpungan
Pinili Mo Kami ng higit sa kaninoman
Pagasa'y nahawakan mula ng makilala
Lingkod na hinamak binigyan Mo ng halaga

Ngayon Kami Ama ay nagmamapuri
Isisigaw sa mundo Ikaw Ang sa ami'y naghahari
Aming paglilingkuran på nawa'y manatili
sa tungkuling tinanggap hanggang Ang buhay mapawi

Salamat sa lahat ng
kabutihan Mo,
pag-iingat Mo,
pagpapala Mo

Sa Iyong basbas,
sa pagliligtas,
pag-ibig na wagas
md Hindi kumukupas

Sa pagkukupkop,
pagpapahinuhod,
kagandahang loob
na 'di masasayod

Sa 'Yong katuwiran,
kapayapaan,
sa awang nakamtan,
sa 'di na namin Alam ...

Aleluya

Tags:

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Facebook
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • YahooMyWeb

Relaterte Innlegg