Narito kami nagpapasalamat
sa kabutihan Mo at pag-iingat
Wagas na pag-ibig aming namalas
Oh, kay sarap maging anak
Bayan Mong hirang sa silanganan,
nagkapisan at nagdiriwang
Sa kadakilaan mong taglay
kami’y nagpupuri sa ‘Yo Ama
Nagagalak ang kalooban
pagkat sumapit ang inaasam
Pagpapasalamat sa Iyo
ng bawat lingkod Mo
Sana’y ‘Yong mapagdamutan
pasalamat na aming alay
Tanggapin Mo aming kaliitan
sana’y ‘Yong pakinggan
Isang buong taon ganap na lumipas
Ngunit ang pag-ibig Mo ay ‘di kumukupas
Kay rami mang suliranin,
sari-saring mga paghadlang
Puso nami’y nagagalak
sa ‘Yong pagmamahal
Ama, salamat po
Sa ‘Yo Panginoon kami’y nanganganlong
Sa lahat ng panahon, sa bawat pagkakataon
Tags: Lyrics
ndc.jpg)













































