PAG-ASA

Marahil nga’y kay sarap maidlip at ‘di na magising
Lalo’t sanlaksa ang hirap at sakit sa dibdib
Marahil nga’y kay sarap panawan ng bait, kahit na sandali
Nang mamanhid ang puso sa hapdi at kirot
dulot ng sari-saring isipin

Ang luha ay ‘di na mapatid
at ang bukas ay tila isa na namang
nakahahapo at mabigat na pasanin

Ngunit may sumpang binitiwan
na ‘di ko kaylanman ninasang talikuran
Batid ko ang magbata, ang magtiis ay di maiiwasan
upang ang pangako Mo’y aking makamtan

Kaya’t sa t’wing tila umaandap na ang pag-asa
sa malawak Mong langit yaring ulo’y itinitingala
Alam kong mahahabag at lilingap Ka Ama
Habang sa twina’y nanganganlong
at may pagtitiwala sa Iyo

Marahil nga’y ang lahat ng ito’y aking babaunin
nang marating ang langit Mong tahanan
na para-isong pinapa-ngarap

Pagkat nais Kang masilayan,
makapiling Ka sa ligayang wagas at
ang hapis ay isa na lang nakalipas

Bawat pagluha ay aariing yaman
Bawat pait, saklap ay aariing tamis
Bawat alimura’y aariing puri
Bawat dusa’y yayakapin at ipagpapasalamat

Ikaw ang tanging nalalabing…
Pag-asa

Download the study files here.

Tags:

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Facebook
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • YahooMyWeb

Related Posts