Hindi ako karapat dapat ibigin,
pagkat ganda at yaman ay salat sa akin
Mahina’t hamak kung ako ay ituring,
sa pagkatao’y walang sukat purihin
Sa kabila ng aking kaliitan,
‘di maubos isipin ginalang Mo’t inibig
Saksi ang buhay sa ‘di masayod Mong habag,
bawat datnang umaga’y pagasa ang hayag
Kaya’t dalangin ay Iyong pahirin,
karumihan ng puso ko?y linisin
Gawing mapalad aking kaliitan
Ang ‘Yong abang alipin,
nais na makarating
Sa isang sulok ng ‘Yong paraiso,
kung saan Ika’y matatanaw
Iyong mukha’y mamamasdan, masisilayan
Aking hinihintay, aking hinihintay
Sa isang sulok ng ‘Yong paraiso,
kung maabot at makapanahan
Pangarap ko ay makamtan buhay walang hanggan
Ligaya na tunay, ligaya na tunay
Ikaw na nga lamang ang dahil ng buhay,
sa mundong kay lupit na aking nilalakbay
Maging ang hirap na nararanasan,
nahaharap pagkat Ika’y nariyan
Aliw Ka lagi sa ‘king kaliitan
Inaasam na langit,
nais na makamit
Hindi ‘pagpapalit sa sandaling tamis
na ang dulo’y pait
Kahit may luha ay tiwalang higit
ako’y ihahatid, ihahatid…
Download the study files here.
Tags: Lyrics
ndc.jpg)













































