SA ISANG SULOK NG PARAISO
Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.
Hindi ako karapat dapat ibigin,
pagkat ganda at yaman ay salat sa akin
Mahina’t hamak kung ako ay ituring,
sa pagkatao’y walang sukat purihin
Sa kabila ng aking kaliitan,
‘di maubos isipin ginalang Mo’t inibig
Saksi ang buhay sa ‘di masayod Mong habag,
bawat datnang umaga’y pagasa ang hayag
Kaya’t dalangin ay Iyong pahirin,
karumihan ng puso ko?y linisin
Gawing mapalad aking kaliitan
Ang ‘Yong abang alipin,
nais na makarating
Sa isang sulok ng ‘Yong paraiso,
kung saan Ika’y matatanaw
Iyong mukha’y mamamasdan, masisilayan
Aking hinihintay, aking hinihintay
Sa isang sulok ng ‘Yong paraiso,
kung maabot at makapanahan
Pangarap ko ay makamtan buhay walang hanggan
Ligaya na tunay, ligaya na tunay
Ikaw na nga lamang ang dahil ng buhay,
sa mundong kay lupit na aking nilalakbay
Maging ang hirap na nararanasan,
nahaharap pagkat Ika’y nariyan
Aliw Ka lagi sa ‘king kaliitan
Inaasam na langit,
nais na makamit
Hindi ‘pagpapalit sa sandaling tamis
na ang dulo’y pait
Kahit may luha ay tiwalang higit
ako’y ihahatid, ihahatid…
Download the study files here.
-
Subscribe to NDC blog







geleen
August 10, 2008 at 6:46 pm • Permalink
very inspiring yung song,,
nakakatouch at the same time
marerealize ng listener kung
ganu tayo kaliit, pero nangangarap tayo
na one day, makikita natin ang Ama,
at makakapiling natin Sya forever…
klarriza
July 14, 2007 at 8:58 pm • Permalink
pede poh bang mag request ng study cd ng SA ISANG SULOK NG ‘YONG PARAISO…….touch ako sa kanta!!!!!
vlad
December 20, 2006 at 9:38 am • Permalink
bro pede po bng upload po nyo ung study files ng SA ISANG SULOK NG PARAISO para po madownload po namin
ssD po!