Sa mga hinugot…
Binabati namin ang aming mga kasama na sina Jerald, Gilbert, Grace at Nancy. Mga bagong miyembro ng Metro Manila Division Choir. Nawa’y makapagpatuloy kayo sa panibagong tungkulin na iniatang sa inyo. Malungkot mang isipin na magkakahiwa-hiwalay na tayo, hindi na tayo magkakasama pa sa bawat destino at awitan sa NDC, subalit masaya ang aming mga nararamdaman sa dahilang binigyan kayo ng pagkakataon na makagawa sa mas malawak na Gawain. Hangad namin na makapagpatuloy kayo at magampanang lubos ang panibagong tungkulin.
“Pagkat iisa ang diwa, iisa ang ating nasa. Na ang Ama’y bigyang lugod buong buhay ipaglingkod at kahit na magkalayo Dios sa puso ang nagbuklod…”
Salamat sa Dios at binigyan N’ya tayo ng pagkakataon na magkasama sama. Huwag ninyo sanang makalimutan ang lahat ng mga pangyayari at lahat ng mga pinagdaanan natin dito sa NDC. Magsilbi sana itong inspirasyon sa bawat isa sa inyo upang makapanatili at makapagpatuloy pa sa ating mga tungkulin. Hindi man maging madalas ang ating pagsasama-sama, magbago man ang suot nating uniporme, alam naman natin na IISA lang ang ating diwa at nasa… Ang mapaglingkuran S’ya ng lubos, saan man N’ya tayo dalhin sa ating mga paggawa. Batid namin na muli tayong magtatagpo at magkakasama na aawit sa Kanya doon sa pangarap ng ating mga puso. Salamat sa Dios sa lahat-lahat ng mga naibahagi ninyo sa NDC, hindi namin yun makakalimutan. Salamat sa inyo, aming mga KAPATID, KASAMA AT KAIBIGAN.
“Kayo ay aming kapiling sa alaala’t panalangin, kayo nawa ay lingapin kung lungkot ay sadyang kay lalim. Karamay n’yo kami sa iisang daing, na sana’y magtagpong muli at MAGKASAMANG MAKAMIT ANG PARAISONG LANGIT”
WE LOVE YOU AND WE WILL MISS YOU!!! ( ToT)
-
Subscribe to NDC blog


























































This post has no comments yet.
RSS Comments feed for this post • TrackBack URI