SALAMAT PO

Aming nadarama pag-ibig Mo Ama sa tuwi-tuwina
Kahit nagkukulang Ika’y laging sapat sa ‘Yong mga anak
Ang tanging dahilan ng aming awitan
Dahil sa ‘Yong aral
Bawat butil ng katwiran aming naunawaan
Ikaw ang dahilan

Salamat po Panginoon na may likha
Nitong buhay at ng sandaigdigan
Salamat po Dios sa ami’y ibinigay
Minimithi liwanag naming taglay

Aming pakiusap tulungan Mo kami’y makapagtagumpay
Sa tindi ng sakit at tukso sa mundo nitong sanlibutan
Hawakan Mo Ama aming mga buhay puso’t kaluluwa
Langit na pinapangarap
Paraisong kay ganda, kay liga-ligaya

Salamat po, Panginoong buhay at tunay
Kami’y tunghan sa ‘Yong kalangitan

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • Yahoo Messenger
  • YahooMyWeb

Tags:

Related Posts