‹ May Celebrants (Ana & Embet) •
Si Arnel Rollon o mas kilala bilang Arn-arn. Ang besfriend ni Gilbert. Kabilang sa 2001 batch. Isa sa aming best tenor. Sa ngayon ay kasalukuyang miyembro na ng National Choir. Marami syang masasayang alaala sa NDC. Kabilang sya sa mga kasama na naawitan si Kapatid na Eli sa Morong. Memorable sa kanila ni Ana ang petsang May 11, 2004 dahil mismong birthday nila ng naawitan namin si Bro. Eli. Sa iyo Arn, binabati ka namin ng isang maligayang kaarawan. Kahit madalang na tayong magkita at magkasama, hindi namin nakakalimutan ang lahat ng masasayang araw noong kasama ka pa namin. Sana’y mapagpatuloy ka lang sa NC. Keep it up. Godbless and we miss you.
Si Karen Rose Villaflor Reyes, ang “Absalam” at modelo ng NDC. Maraming masasayang alaala ang naiwanan ni karen sa grupo. Una na syempre ang “MORONG” at “BICOL” out of town namin. Kaya madalas kaming lumabas noon kasi syempre kasama pa namin si Karen. Ang aming manager pagdating sa mga gastos. Hehehe. Ngayon, pulubi na kami kasi noong 2004 ay isa s’ya sa mga hinugot sa Metro Manila Division Choir. Nakakamiss ang kapatid na ito. Madami kasing masasayang alaala ang iniwan nya sa NDC. Lahat ng tawanan at kulitan, asaran pikunan. Minsan ka partner ko pa ito sa pang gogoodtime sa mga kasama. Ang memorable performance ni karen sa NDC? Syempre nung kinanta nya yung Top of the World. The best ‘to. Si Karen napagsolo namin. Ang lupet ‘di ba? Ngayong May 14 ay nagdiriwang si karen ng kanyang ika walong taon sa Iglesia. Hangad namin na makapagpatuloy ka pa sa iyong paglilingkod. Sana muli tayong magkasama ulit na umaawit, hindi man dito sana dun sa langit kung loobin na parepareho tayong maging dapat. maligayang kaarawan sa iyo. God bless you. Ingat ka palagi.
Tags: Birthday, Kwento ni Pop Lola
ndc.jpg)













































