Happy birthday Ninoy!
You are currently browsing articles tagged Birthday.
Tags: Birthday
Words cannot express how thankful we are to GOD to have met someone like you. We pray for your safety, strength and for wisdom, as you continue to serve our Lord and his people. Maligayang kaarawan po.
WE LOVE YOU!!!
Yehey, holiday ngayon dapat walang pasok. Dahil birthday ni Her excellency.. Michelle Fernandez a.k.a Madam. Bakit nga ba Madam ang tawag sa kanya? Hmmmnnn. According to Vinzhor, kamukha daw nya si Madam President. Hindi si GMA ha, si Ate Glow. Ang saya saya noh? Pero hindi bading si Madam (mukha lang) ops, peace tayo. Binansagan s’yang Madam kasi nuong minsang pauwi na sila galing sa destino, sinabihan sya ni Bong na ka boses daw niya si GMA. Eh kasama rin nila si Vinzhor nun, so hayun ginatungan na ng Vinzhor. Kaya kinabukasan Madam na ang tawag sa kanya.
Si Madam ay napabilang sa NDC taong 2003. Isa sya sa mga nag-audition ng taong iyon. Si Madam, sa unang impression eh, kung hindi mo s’ya kilala ay maaring akalain mong tahimik at mahiyaing tao. Pero sa totoo lang, ay napakakulit at maingay ang babaeng ito. Sobrang lakas ng boses, kahit harapan na kayong nag-uusap. Palaging s’yang high energy ‘pag nasa mood pero sobrang tahimik naman kung badtrip, lalo na kapag mayron s’yang… topak. Ang lakas din nitong mang-asar at sobrang sakit mangurot. H’wag kayong makikipagharutan diyan kung ayaw n’yong magka pasa gaya ng ginawa nyan sa braso ni Bong. Si Madam ay isang kapatid na nabiniyayaan ng maraming talento. Natatandaan ko nuong inawit nya yung “You light up my Life”. Pano nga ba yon? So, so, so many nights… Ang daming “so” nun ha.
Mahusay din yan kahit sa sayawan kahit na mala-toothpick ang katawan. Saan ka pa?
Pero sa likod ng kanyang kakulitan at kaingayan, isa syang kasama na maaasahan. Kahit na pagod at puyat dahil sa trabaho nya sa call center eh pinipilit pa rin nyang makasama sa mga funtions ng grupo. Kaya mula sa aming lahat, binabati ka namin ng isang maligayang kaarawan. Nawa’y mapagpatuloy ka sa NDC. Nandito lang kaming mga kasama mo. Mahal ka namin Madam. God Bless you!
Tags: Birthday, Kwento ni Pop Lola
Si Grace Comission a.k.a. Shukran, ang Gracia Arce ng grupo. Ang lufet noh? Teka, meron pa palang bagong alias to… “Angel”. Hindi Angel Locsin. Kundi Angel Lo Blanco! (Corny ba? Galing yan kay RJ yun). Siya ang long lost sister ni Sis. Genesis. Kabilang s’ya sa naunang Batch ng 2001. Naaalala ko pa, noong probationary pa lang kami, s’ya ang pinaka active noon,. Kahit na pipigilan pa siya ng magulang eh go pa rin. Nawala siya sa grupo ng halos isang taon dahil pumunta ng Dubai para magtrabaho. DREAM, BELIEVE, DUBAI! Yan ang naging slogan ni Shukran. Mahiyain at may pagkasensitib. Noon ngang minsang rehearsal, habang inaayos ang mga pwesto ng bawat isa, at sya na lang ang walang pwesto, tinanong nya si Embet “Saan ako” sinagot s’ya ni Embet “Doon ka sa kanto”. Aba’t ang Shukran nagtampo at nagwalkout ba naman at hindi lang sa kanto ng Edsa pumunta kundi sa kanto ng BS Kanan. Hahaha
Si Paul ay kabilang din sa batch 2001. Nakakatuwa itong si Paul kapag umaawit kami, pano ba naman ang lakas ng boses as in bass na bass talaga at may pagkakataon na nangingibabaw na siya at hindi nya napapansin. Malupet din itong mag choreo, mala robot. Hehe. Masipag at tahimik, pero kahit hindi na s’ya mag joke eh… nakakatawa na s’ya. Remember yung game nating B.E.A.M? Walang kumaya sa powers ni mo noon. Pati si Bong no match sa ‘yo. Eh yung “NORTHLIFE”? The best yun. Ang dami mo yatang naging fans dahil dun. Doon nga naiyak sa kakatawa si kuya Dennis. Apir.
Si Jerald Rumbaoa, ang kasalukuyang presidente ng NDC. Kilala na Boy Nganga, ang Mr. Swabe ng NDC at kilabot ng mga Kusita! Peace tayo.
Kabilang sa 2nd batch ng taong 2001. Masayang kasama at kausap. Sino ba ang hindi makakalimot sa ‘yong mga solo performances? Yung hagod ng boses, yung mga Mr. Swabe moves at syempre ang pamatay mong “Eternally”. Talagang todo bigay, may patalikod sabay harap pa. Ang lupeet!
Sa inyong tatlo, nawa?y magpagpatuloy pa kayo sa paglilingkod. Hangad namin ang pinaka mabuti para sa inyo. Paul, tuloy lang sa mas dakilang tungkulin na pinili mo. Sana lagi ka pa rin sumama sa amin kapag available ka. Grace, pasensya na sa lahat ng kakulitan at pang-aasar namin sa yo. Basta wala lang pikon. Ha?. Pero, iba ka na pala ngayon ‘di ka na medyo naaasar at gusto mo pang inaasar ka.. Aru,aru,aru. Sa aming presidente, susuportahan ka namin basta magpakabait ka lang. Sana’y magsilbi kang mabuting halimbawa sa bawat isa sa amin. Mga kasama binabati namin kayo ng isang maligayang kaarawan mga bisaya! God Bless you all. We love you.
Tags: Birthday, Kwento ni Pop Lola
Mabuhay ang Pusa!
Ngayon ay nagdiriwang si Anne Michelle Tungol ng kanyang ika-anim na taong kaarawan sa Iglesia. Si Michelle o mas kilala sa tawag na Meow ay isang kapatid na masipag sa paggawa (tot-torot-tot!!!). Bakit kamo? Eh, san ka ba naman nakakita na kahit na nangingisay na habang umaawit eh, go pa rin ang pusa. Gusto nyo ng katibayan? Tanungin nyo mga kapatid sa lokal ng Deparo. And speaking of lokal ng Deparo, memorable na sa kanya ang lokal na yan. Palagi ata syang bida dyan, katunayan bida sya nung dumestino kami last January 28. Harharhar. Siya rin ang aming Soprano 1. Super yan pagdating sa biritan, lalo na nung kinanta nya yung “My heart will go on” walang sinabi si Celine Dion. Hahaha. Syempre makakalimutan ba namin yung “Hear for I’ll speak of excellent things…” with matching koryo pa. Feel na feel. Champion din yan pagdating sa bible preaching at english pa! Kaya san ka pa?
Si Meow naging member ng NDC taong 2001, at sa tulong at awa ng Dios ay nakakapagpatuloy pa rin. Natatandaan ko pa nga nung mga bago pa lang kami, napaka mahiyain ng kapatid na ito. Inosente ang dating. Siya ang pinakabatang naging member ng NDC. I think she’s only 14 that time. Neneng-nene at napaka inosente pa (daw). Pero ngayon, tanungin nyo ko? Nakupo’t napakadami na niyang nala-laman.
Pero sa seryosong pag-uusap, bilang kapatid, kasama at kaibigan, maasahan mo talaga siya lalo na sa paggawa. Sana mapanatili mo ang may mababang loob. H’wag lalaki ang ulo, delikado yun saka ang pangit e. Biruin mo yang payat mo na yan tapos sobrang laki ng ulo mo. Can you imagine that? Ang sagwa di ba? (Ay seryoso na pala dapat!).
‘Wag ka sanang magsasawa sa pagmamalasakit at pagmamahal na ibinibigay sa grupo. Mahal ka namin. Mahal ka ng lulah alam mo yan at alam ko naman na mahal mo kami, lalo na ang pag-awit. Kahit na hindi ka magsalita, nakikita namin yon sa ‘yong gawa. Kaya Meow, mula sa aming lahat isang MALIGAYANG KAARAWAN!! Keep it up!! GOD Bless. Mwwaaahhh!
Tags: Birthday
Si kapatid na Marilou Lavarias Gangan ay isa sa mga dating miyembro ng NDC. Maraming bagay ang naibahagi ng kapatid na ito sa grupo. Siya ang sumulat ng Pagasa, Sa isang sulok ng Paraiso, Bagong Awit at marami pang iba. Kasama niya si Roger na syang taga gawa ng melody at si Bong na umaareglo at gumagawa ng minus-one. Halos lahat ng awit namin ay silang tatlo ang nagtutulong tulong sa paggawa. Nung kasama pa namin si Malou, isa siya sa mga kapatid na nagbibigay saya sa grupo, isang kapatid at kaibigan sa aming lahat na handang dumamay sa lahat ng paraan. Siya ang isa sa mga “Utak” ng grupo pag mayroon kaming binabalak na gawin o gimik para sa mga kapatid. Masayahing kapatid, palabiro at talaga namang masipag sa paggawa. Maraming masasayang alaala pero ang isang ‘di malilimutan ay nang minsang lumampas ang bus na sinasakyan nya habang papuntang Apalit at umabot hanggang SM Pampanga.
Ngayon po ay nagdiriwang si Malou ng kanyang ika walong taon (8) sa Iglesia. Dalangin namin na sana makapagpatuloy ka pa sa yong paglilingkod. Sana sa tulong at awa Niya ay marami pa kayong magawang awit na makakapagbigay inspirasyon sa ating mga magkakapatid. Salamat sa Dios sa lahat lahat ng naibahagi mo sa grupo, sa lahat ng magagandang alaala, sa mabuting pakikisama, sa masayang pakikipag kaibigan. Mula sa aming lahat “HAPPY BIRTHDAY”. We wish you good health (kasi sakitin ka eh). We miss you. Personally, miss na kita pag naaalala ko yung mga panahon na magkakasama tayo, yung lahat ng kalokohan, asaran, kulitan, tuksuhan, tawanan, iyakan kasama na din yung mga tampuhan, yung mga plano natin at pangarap sa NDC. Lahat ng yun nakakamiss. Hindi namin makakalimutan.
Masaya kami na pinagtagpo Niya tayo dito sa BAYAN NG KATOTOHANAN nagkasama sama upang mag-alay ng ating mga TINIG kahit di naman ganon kaganda mga boses natin. Hindi man tayo madalas na nagkakasama sa mga paggawa ngayon, naniniwala naman kami kalakip ng PAGASA sa aming mga puso sa tulong at awa Niya ay muli tayong sama-samang aawit sa Kanya ng isang BAGONG AWIT doon sa ISANG SULOK NG KANYANG PARAISO. We love you. God bless and keep the faith.
Tags: Birthday
Sino ba si sis. Abigael Gamac or Sis. Abi for short? Hindi po siya member ng NDC, pero may malaking bahagi siya sa aming puso bilang isang kapatid at kaibigan. Nakilala namin ang kapatid na ito taong 2005 sa lokal ng Muñoz. Siya po ang kasakasama ni ate Ruth Soriano sa mga english worship service at doktrina sa foreign ministry. Siya rin ang presidente ng fans club ng NDC na siya lang din ang miyembro. (JOKE lang po yun!!!) Masayang kasama si ate Abi, marami siyang kwento at palabiro ding kapatid. Mahilig mag text at magpadala ng mga jokes kahit minsan “corny”. Matuwid ang kapatid na ito at isa siya sa mga kapatid na inspirasyon ng grupo sa paggawa.
Mula sa aming mga puso, binabati ka namin ng isang maligayang kaarawan. Nawa’y makapanatili ka sa tungkuling ipinagkatiwala sa yo. Patuloy naming ipinagpapasalamat sa Dios na nabigyan Nya tayo ng pagkakataon na magkakilala at magkasama sa paggawa. Hangad namin ang pinakamabuti para sa iyo. Mahal ka ng NDC!!! Sana’y isama mo kami palagi sa ‘yong mga panalangin… GOD bless you!!! Sana may foreign worship service at doktrina ulit.
Tags: Birthday
ndc.jpg)






























