
Noong madestino kami sa Local ng Deparo nitong nakalipas na Linggo (January 28, 2007), pagkatapos magsalita ni Bro. Cris dela Cruz, agad kaming tinawag upang maghandog ng dalawang bilang ng tanging awit. Pagkatapos ng unang awit, napagkasunduang awitin sunod ang “Sulok”. Kaya ‘yon ang pinili sa CD. Binuksan pa nga ang tv dahil may video. Pero ayaw palang mabasa ng player. Kaya pinagsalita muna nila ako tungkol sa awit. So, ako naman super kwento, and it goes something like this “Mga kapatid pagpasensyahan nyo na po. Aawit pa po kami ng isa. Ang awit pong ito ay ginawa ng aming mga kasama. Inspirasyon po nito ay walang iba kung ‘di si kapatid na Eli. Ito po ay pinamagatang “SA ISANG SULOK NG PARAISO“. Gusto lang po sana naming i-share sa inyo. Patawad din po sa mga naging pagkukulang namin lalo na sa mga mang-aawit sa Lokal ng Deparo… At natapos ang drama ng Rj, hindi pa rin gumana ang cd. Kaya’t napagpasyahang mag a capella na lang kami. Sabi pa ni Mark bago sya kumumpas “Sulok ha, sulok”. Si Meow, lumingon pa kay Gary. Kasi itong si Gary nagtanong kung ano raw ang aawitin. Sabi ni Meow “SULOK HA” at hayon na nga. Todo concentrate pa si Mark Bago magsimula. Pagkakumpas nya, bigla ba namang kinanta ng Pusa with a loud voice “Marahil nga’y kay sarap…” Nyek!
Parang gusto kong magtago sa loob ng polo ko o kaya’y biglang magdisappear na lang sa harap. Kasi ba naman… ‘di ba sabi na ngang SULOK ang aawitin. Walang namang sinabing PAG-ASA! At take note, sinabi pa nya mismo yun kay Gary. Kaya pagkatapos naming umawit, pagkalabas sa pinto nagsalita ang Menggay “Magaling, magaling, magaling! Mag-assess nga kayo! (with matching clap pa ng hands). Hetong si Tom-tom naman tinanong si Meow; “Meow, ano bang nagawa mo?!” Pero in fairness, maganda naman ang pagkaka-awit.
“Magaling, magaling, magaling! Mag-assess kayo!”
- Minsang sinabi ng Matured
Recent Comments