KAPI

You are currently browsing articles tagged KAPI.

1st KAPI International Convention
January 28, 2007
Apalit, Pampanga

YouTube Preview Image
  • E-mail this!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • Yahoo Messenger
  • YahooMyWeb

Tags: ,

May panibagong mga pangyayari ang naranasan ng grupo. Mga nakakatawa, nakakainis, nakakaiyak, pero ang pinaka masayang bahagi ay ang saya na naramdaman ng bawat isa ng muli kaming nabigyan ng pagkakataon na maawitan ang ating mga taga akay… Kaya eto kwento na ang Lulah.

Meeting place namin sa edsa 7:00 am daw. Asa ka pa sa NDC na halos lahat dadating sa usapang oras. Kasama sina Embet, Vinzhor, Jon, Gilbert, Randy, Mark, Jerald, Ninoy, Bong, Nanz, Macy, Madam, Analou, Essie, Meow, Jean, Nica, Aiza, Lei, Arlene, Menggay at ang inyong lingkod. Guess what, kung anong oras kami nakaalis sa edsa? Mga 10:00 na po. Sa tulong at awa ng Dios ay nakarating kami sa apalit, nakaabot pa din kami sa panalangin. Mahabang oras kaming naghintay. Nagkaroon muna ng pag-eensayo ng awit “Hawak Kamay” sa pangunguna ng aming poging diva na si Arlene. Sa haba ng aming paghihintay ay naisipan ni Boy Noo na umawit muna sa mga babaeng bao. Ang saya ng naging awitan. Nakakatuwang makita ang mga loala at lolo na umaawit at nagsasayaw. Yung mga ngiti sa kanilang labi habang umaawit kami ay sapat na para makalimutan namin ang bawat problema, ang pagsubok na kinakaharap ngayon ng grupo. Ang saya kasi dalawang oras mahigit kaming nasa orphanage. ang tagal naming nakapiling ang mga matatanda. Nagkaroon ng jamming at syempre hindi papahuli si nanay Dalaga at nanay Kulot. Biruin nyo si Jon-jon po ay napasayaw ni nanay Dalaga! ha,ha,ha. Si Ninoy hinahanap ni nanay Kulot kaya lang ‘di nakita.

KAPI Family DayPagkatapos, pumunta na kami sa assembly ng KAPI. Pinangunahan ng grupo ang pag-eensayo sa mga kapatid ng awiting “Hawak Kamay” na nilapatan ni Boy Noo ng mensahe patungkol kay kapatid na Eli. Siyempre, nanguna ang aming poging diva na si Arlene sa pag-awit. Maayos na po sana ang lahat ng si Boy Nganga also known as Boy Utot na ngayon (dahil sa nagsabog ba naman ng lagim sa loob ng van na aircon pa mandin!! Ang tindi ng amoy!) ay nanguna sa pagtuturo sa mga kapatid. Nagtanong ba naman kung nalilito ang mga kapatid sa tono ng last line ng chorus “KASAMA MO ANG KAPIANS” hindi naman nalilito ang mga kapatid, siya lang ang nagtanong at kinorek ang tono. Nang inawit na ni Boy Nganga ang last line… SYA ANG WALA SA TONO!!! Ha,ha,ha. Hindi tuloy namin napigilan ni Meow na matawa talaga.

MORAL LESSON: H’wag magmarunong ‘pag hindi talaga alam ang tamang tono!

Ang pinakamasayang bahagi ay ng marinig namin ang tinig ng ating mga mangangaral si kapatid na Eli at kuya Daniel. Napakaraming bagay ang ipinaunawa nila sa lahat ng mga kapatid na nandun sa pamamagitan ng kanilang mga mensaheng nagbigay inspirasyon sa bawat isa sa amin. At isang pangyayaring hindi na naman namin makakalimutan, ng pangunahan ng grupo ang KAPIAN’s na awitan si Ingkong at Kuya. WOW! Ang saya talaga. Kahit hook up lang ‘yon at ‘di namin sila nakikita ng harapan masayang-masaya kami dahil alam namin na nakikinig sila habang umaawit kami at ang mga Kapians. ‘Di ko kayang letrahan. Sana’y magsilbing inspirasyon sa grupo ang mga pangyayaring ito. Ang bait ng Dios talaga, dahil ng may dumating na “MALAKAS NA BAGYO” sa grupo, hindi Niya kami pinabayaan at muli N’yang pinasikat sa bawat isa sa amin ang “ARAW” Isang napakaganda at napakaliwanag na araw at yun ay ang pangyayaring ‘di namin makakalimutan.

Ooops teka, masyado na yatang madrama ang Lulah (wala lang sarap lang magkwento kasi, kaya pagbigyan nyo na ‘ko) O, para matawa naman kayo, si Menggay naman ngayon ang bida… Pagkatapos ng gawain sa KAPI, syempre, umuwi na kami at sabay lahat ng girls kasama si Ate Genesis at Ate Abi. Teka hindi pala lahat ay girls may nahalong isang gay at boy, si Vinzor at Jerald. Siyempre hindi maiiwasan ang kwentuhan at tawanan habang bumibiyahe kami at sa pagkakataon na ito ay muli na namang nagsabog ng butil ng katatawanan si Menggay. Ganito kasi yon, si Ate Gen tinanong si Menggay kung anong masasabi niya kay Sis Abi, ano ang maipapayo niya in behalf ng NDC dahil sa nag birthday nga si Abi. At ang Menggay walang preno na nagbigay naman ng kanyang mensahe. Nagpayo ba naman sa manggagawa (he,he,he). Nagtanong ulit si Ate Gen, ano maipapayo niya kay Abi dahil madami nga daw boys na umaaligid at nagpaparamdam sa kaniya. Aba’t ang Menggay nagpayo na naman. Ganito ang sinabi niya “Deadmahin na lang NATIN”. Nagtanong si Ate Gen bakit natin? Sumabat ang Lulah; oo nga bakit natin, bakit may umaaligid din ba sa iyo??? At ito po ang pinakakwelang sagot ni menggay na hindi kinaya ng powers namin… “E KUNG SABIHIN KUNG MERON???” Bwahahaha! PANALO ang Menggay!!! Sabi ni Vinzhor mga insekto daw yun. Haaay naku, ang sakit ng tiyan namin sa kakatawa.

…At diyan nagtatapos ang kwento ng Lulah. Masayang maala-ala at balik-balikan ang mga pangyayaring ganito. Salamat sa Dios sa pagkakataon na patuloy Niyang ibinibigay sa grupo. Sana sa susunod ulit kung loloobin Niya.


Hawak Kamay (KAPI version)

  • E-mail this!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • Yahoo Messenger
  • YahooMyWeb

Tags: ,