Kuya

You are currently browsing articles tagged Kuya.

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • Yahoo Messenger
  • YahooMyWeb

Tags: , ,

After two years of “PILIPINAS, GISING KA NA BA?” on television, here comes “GOOD MORNING, KUYA!”. UNTV 37’s latest morning sensation hosted by KUYA himself, Mr. Daniel Razon.

The show features more than 40 segments geared toward information, employment, government assistance and other forms of public service. Aired live, as an interaction between Kuya and his household, GMK is set to educate, inform and empower the public.


GMK! (jingle)

Please Login or Register to read the rest of this content.

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • Yahoo Messenger
  • YahooMyWeb

Tags: ,

Sana lalo kayong matuto ng diwa ng pagkakapatiran at diwa ng pagmamalasakit sa isat-isa, at sana yan ang maitawid natin sa mga kapatid. Kung ano man ang inyong maging problema sa hinaharap, ang lagi lamang ninyong tatandaan… "Hindi pwedeng wala yun". Nangangailangan tayo ng pagtitiis upang kung ating magawa ang kalooban ng Dios, magsitanggap tayo ng pangako. Ang sarap noong panalo ay nandoon sa hirap ng pinagdaanan mo. Kung wala yung hirap, wala din naman yung sarap, wala din yung ligaya. Kaya mas magiging masarap ang ating mga pagtatagumapay kung naranasan natin yung hirap kung paano makarating doon, at sa bawat hirap na nararamdaman ninyo, sana maging puhunan ninyo yun. Sana maging bagay na magpapaalaala sa inyo lagi, para mas lalo ninyong pahalagahan kung ano ang ginagawa ninyo. Alalahananin ninyo, namumuhunan kayo ng oras, pagod, salapi at ng maraming mga bagay. Basta ba natin iiwan ngayon at tatalikuran ang lahat ng mga bagay na yun? Dahil ba sa isang iglap na pangyayari sa ating mga buhay ay babaliwalain na natin ang mga gabi na ipinagpuyat natin? Dahil ba sa isang suliraning dumating sa ating buhay pawawalang halaga na natin ang ginugol ninyo na kayo’y nageensayo, nagtiis ng gutom, ng puyat, basta ba kayo susuko? Basta ba tayo magbababa ng ating mga paninindigan? Alam ninyo sana pag kinakanta ninyo yuong mga kanta ng pangako, yung awit ng pag-asa, sana damahin ninyo sa loob nyo. Lalo na pag sinasabi ninyo yung mga katagang "Maninindigan kami".

Mabuti na kayo’y makiisa sa mga gawain. Mabuti na kayo’y umawit sa Dios. Pero hindi mabuti na kaya kayo umaawit eh dahil lamang may iba kayong motibo. Dahil lamang mayroon kayong ibang gustong gawin. Mabuti na pumunta kayo dito, kung ano ang layon ng pagkakapunta ay para makiisa sa gawain. Pero kung nakarating lamang kayo dito sa ibang dahilan, sa palagay ba ninyo’y mabuti kaya yun? Kaya sana sa pagyaon ninyo ng inyong tungkulin at sa hinaharap pa, lagi nating isipin na hindi natatapos ang ating paglilingkod hanggang ‘di pa tayo tinatawag ng Dios at pinapagpahinga. Habang tayo ay nabubuhay may tungkulin tayong gagampanan. Habang hindi dumadating ang ating Panginoong Hesu Kristo tayo’y maghihintay, at sa paghihintay gagawin natin yaong gusto Nyang gawin natin. Para pag dumating Siya sa Kaniyang pagbabalik, makita nya na ang ating pinagkakaabalahan ay yung bagay na gusto nyang gawin natin. Sana lagi kayong maging kaisa, anu mang grupo ang inyong sinasamahan, iisa pa rin ang ating mga paniniwala, ang ating ginagawa ay ang paglilingkod sa Dios, at ang ating ibig na maabot ay yaong kasakdalan na hinihingi Nya sa atin.

Sa inyong pag-uwi isipin ninyo… Ano na ba ang nagdaan sa akin? Kung kayo, halimbawa isang taong miyembro ng choir o isang taong kapatid sa loob ng iglesia, ano na ba ang napagdaanan ninyo sa paglilingkod. Namuhunan na ba kayo ng puyat, ng pagod, ng salapi? Kahit na siguro iisang buwan palang kayo masasabi nang may puhunan na rin kayo, at yung puhunan na yun palaguin natin. Paano natin mapapalago? Habang yan ang ginagawa natin, habang yan ay pinapagpatuloy natin, lalago ng lalago yan. Habang kayo ay gumagawa titibay kayo ng titibay sa pananampalataya.

Sana kung kami man ay mauuna kaysa sa inyo, lagi naming tagubilin…

ITULOY NYO ANG LABAN,
…ITULOY NYO KUNG ANO ANG ATING PINAGSIMULAN.

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • Yahoo Messenger
  • YahooMyWeb

February 23, 2007 by admin | Comments

Tags: ,

Lahat tayo ay mahalaga sa paningin ng Dios, kagaya nga lang ng binabanggit ko sa inyo, meron nga lang tayong papel na ginagalawan. Hindi komo nasa MMC kayo e mas mataas na sa langit ang mararating ninyo, o kaya iba ang pangako sa inyo kaysa doon sa nasa Cavite Region Choir o Rizal Region Choir o Metro Manila Division Choir o nasa Local Choir. Ang pangako ng Dios sa atin ay ang buhay na walang hanggan, at kung ito’y mapagtatagumpayan natin, yun ang makakamtan natin at pare-parehong yun ang ating pinapangarap, yun ang nasa ng ating mga puso. Kaya nagpapasalamat ako sa Dios, na nariyan kayo katulong sa pag-iisip, katulong sa paggawa, katulong sa pangangalaga sa mga kapwa ninyo kabataan, at umaasa kaming katulong kayo sa tuwi-tuwina na magmamalasakit sa mga kapatid. Yun naman ang lagi naming dinadalangin sa Dios at hinihingi sa inyo, na bilang mga miyembro ng choir, dapat alam natin na bahagi ng ating mga tungkulin ay hindi lamang ang pag-awit, kundi ang paglingon sa mga kapatid, paglingap sa kanila, page-extend ng anumang tulong na maaari nating maibigay. Whether its material o spiritual, sa anumang bagay na pwede tayong maging kapakipakinabang. Kung mayroon kayong nakikita sa isang sulok ng inyong mga mata na maaring nakapupuwing sa inyo para ituloy kung ano ang mabuting nalalaman ninyo, ialis natin yun. Huwag nating pabayaan na ang nakikita nating mga pangyayari sa paligid natin ay magpahina ng ating kalooban. Although minsan, hindi natin maalis dumating ang pagkakataon na parang nanghihina tayo. Pero huwag ninyong kalilimutan na ang Dios ay hindi nagpapabaya sa atin. Ang Dios, kailanma’y hindi magkukulang ng Kaniyang assistance sa anumang kailangan natin para tayo ay makapagpatuloy. Kaya sana matuto tayong mag-alalayan. Meron tayong kani-kaniyang kahinaan, alalayan natin ang ating mga kasama. Huwag kayong pumayag na basta natin silang ipamigay sa kaaway. Huwag kayong pumayag na tayo pa ang maging kasangkapan para maibagsak ang ating kapatid. Huwag nating payagan na tayo pa ang maging dahilan para ang ating kapatid ay hindi makapagpatuloy sa kanilang mabuting pinasimulan.

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • Yahoo Messenger
  • YahooMyWeb

February 20, 2007 by admin | Comments

Tags: ,

Talk to me,
There is something I want to tell you,
Just like you,
I have been into a lot of pains too
and I’m still very much in it

Somehow people would look at me,
like I am Superman to them
A hero, a man of steel,
steadfast and unwavering
But you now what?
Even Superman sometimes
bears the pain of being exposed
to Kryptonite

Clearly,
he has his limits and weaknesses,
and he is not real
He is just an imagination
His power emanated
from an elusive thought
of a finite being

Now, think of this
The joy of helping and saving people
entails a lot of sacrifices,
perseverance,
firm hope that is being edified
by the will to stand
under the weight of truth
and righteousness

It is a little odd to stay happy
when you are sad
To keep loving
when your heart is weeping so bad
To stay alive
when you are bleeding to death
and to become even stronger
when you are weak

Nevertheless all of these are possible
Maybe it’s difficult to grasp,
but it’s achievable,
Don’t tell me its fantasy
No, it is not
It is not all about Superman,
Its about belief!

Something that would make us realize,
that we are humans,
and we are not limitless
There is somebody up there,
who is greater than us
More powerful than those
who created Superman
His power is immeasurable!
And no amount of Kryptonite
could lessen His might

If we will only believe in Him
That somebody can make us invincible,
deeply rooted and immovable
Just listen to him
Go back at his reproof
and look at the deeper meaning of life

Remember,
don’t let the pain kill you
Don’t let it turn you into a monster
and don’t make a fool out of yourself
But rather,
use these hardships to bring out
the best in you!
If God is with us,
who is against us!?

Before I go,
I want you to know
that I am not Superman
but I am…

a Believer

Kuya

Please Login or Register to read the rest of this content.

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • Yahoo Messenger
  • YahooMyWeb

January 31, 2007 by bong | Comments

Tags:

YouTube Preview Image

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • Yahoo Messenger
  • YahooMyWeb

Tags: ,

Kuya, nasaan ka man naroon, sa aming isip at gawa, kami sa North District Choir na kabilang sa ministeryo na iyong sinimulan, ay nagmamahal at sumusuporta sa inyo. Dalangin nami’y ang inyong kaligtasan at patuloy na paglilingkod sa Dios. Maligayang kaarawan po!>

WE MISS YOU!!!

  • E-mail this story to a friend!
  • del.icio.us
  • Digg
  • Friendster
  • Google
  • NewsVine
  • Reddit
  • StumbleUpon
  • Technorati
  • TwitThis
  • Yahoo Messenger
  • YahooMyWeb

Tags: , ,

Newer entries »