Kwento ni Pop Lola

You are currently browsing articles tagged Kwento ni Pop Lola.

Binabati namin ang aming mga kasama na sina Jerald, Gilbert, Grace at Nancy. Mga bagong miyembro ng Metro Manila Division Choir. Nawa’y makapagpatuloy kayo sa panibagong tungkulin na iniatang sa inyo. Malungkot mang isipin na magkakahiwa-hiwalay na tayo, hindi na tayo magkakasama pa sa bawat destino at awitan sa NDC, subalit masaya ang aming mga nararamdaman sa dahilang binigyan kayo ng pagkakataon na makagawa sa mas malawak na Gawain. Hangad namin na makapagpatuloy kayo at magampanang lubos ang panibagong tungkulin.

“Pagkat iisa ang diwa, iisa ang ating nasa. Na ang Ama’y bigyang lugod buong buhay ipaglingkod at kahit na magkalayo Dios sa puso ang nagbuklod…”

Salamat sa Dios at binigyan N’ya tayo ng pagkakataon na magkasama sama. Huwag ninyo sanang makalimutan ang lahat ng mga pangyayari at lahat ng mga pinagdaanan natin dito sa NDC. Magsilbi sana itong inspirasyon sa bawat isa sa inyo upang makapanatili at makapagpatuloy pa sa ating mga tungkulin. Hindi man maging madalas ang ating pagsasama-sama, magbago man ang suot nating uniporme, alam naman natin na IISA lang ang ating diwa at nasa… Ang mapaglingkuran S’ya ng lubos, saan man N’ya tayo dalhin sa ating mga paggawa. Batid namin na muli tayong magtatagpo at magkakasama na aawit sa Kanya doon sa pangarap ng ating mga puso. Salamat sa Dios sa lahat-lahat ng mga naibahagi ninyo sa NDC, hindi namin yun makakalimutan. Salamat sa inyo, aming mga KAPATID, KASAMA AT KAIBIGAN.

“Kayo ay aming kapiling sa alaala’t panalangin, kayo nawa ay lingapin kung lungkot ay sadyang kay lalim. Karamay n’yo kami sa iisang daing, na sana’y magtagpong muli at MAGKASAMANG MAKAMIT ANG PARAISONG LANGIT”

WE LOVE YOU AND WE WILL MISS YOU!!! ( ToT)

Tags:

Wow, ang saya-saya! Ang sarap ng pakiradam na makapagperfrom sa stage ng IMS. Salamat sa Dios sa pagkakataon na ito. ‘Di namin kayang letrahan ang aming nararamdaman.

Salamat sa Dios sa lahat lahat ng Kanyang kagandahang loob na hindi masayod at sa lahat ng mga bagay na hindi na namin alam. Sa Kanya ang lahat ng karangalan at kapurihan!

 

“Lalong tumitingkad ang kadakilaan ng Dios kapag alam nating hindi tayo karapat-dapat pero ipinagkakaloob Niya ang isang bagay… Biyaya ang tawag dun”
-Bro. Eli Soriano

October 2, 2007 by mhinnie | 2 comments

Isa (parang andami ah) sa “Birit Queen” at ate ng grupo, si Leilani Dela Cruz o Lei ay naging miyembro taong 2004. S’ya ang reyna ng Load, mahilig sa chocolates, sa hamburger at sa kahit na ano basta nakakain :D. Nagdiriwang ng kanyang ika-9 na taon sa Iglesia. Hangad namin na makapagpatuloy ka pa rin sa paglilingkod. Miss na miss ka na namin. Sana muli tayong magkakasamang umaawit. Patawad sa lahat ng naging pagkukulang namin. Mahal ka ng NDC. God Bless!

Si Mary Jean Altamarino o mas kilala sa pangalang Undang, ay nagdiriwang ng kanyang ika-4 na taon sa Iglesia. Taong 2003 ng maging myembro at isa sa mga kasama na talaga namang maasahan. Mawawala lang ito sa mga function kung may sakit. Napakamasunurin ng kapatid na ito. Ang swerte nga n’ya kasi bago-bago pa lang s’ya noon sa NDC (mga dalawang linggo pa lang) nang sumama s’ya sa outing ng grupo sa Morong, Bataan. Nagkataong naroon din sina kapatid na Eli at kuya Daniel. Walang ibang tao sa resort kaya’t na solo namin sina ingkong at kuya. Doon namin unang naranasang maawitan ang ating mga tagaakay. Maraming mabubuting bagay ang nangyari sa grupo, masasabi kong isa ito sa “pinaka” sa mga iyon. Kaya’t sa ‘yo Undang huwag ka sanang magsasawa. Isipin mo na lang ang mga magagandang alala na gaya nun. Panatilihin mo ang may mababang kalooban. Keep it up! We love you!

Taong 2004, si Adamrel Maderal o “Bro. Adam” ay isa sa mga hinugot ng NDC mula sa local choir S’ya ang kasalukuyan Pangulo ng KKTK sa Distrito ng Norte at isa ring nagmamanggagawa. Si Adam ay isa sa mga kapatid na masayahin at minsan makulit din (’pag nasa mood). Kahit na busy s’ya sa kanyang iba pang mga tungkulin ay siniskap pa rin niyang makasama sa grupo kung may pagkakataon. Sa iyo Adam, nawa’y manatili kang isang huwaran sa mga kasama nating kabataan. Panatilihin mo ang pagmamalasakit at pagmamahal sa grupo, gayun din sa buong kabataan ng distrito. God bless!

Isa sa mga bass, si Rhandy Perez o Rhandz ay napabilang sa grupo taong 2004 ng siya ay mag-audition sa grupo. Masasabing napaka soft spoken ng kapatid na ito, pero ‘wag ka, madaldal yan pag dating sa text at chat. Tama ba? S’ya ang Zone 4 Local Choir Coordinator ng NDC. Sa iyo Rhandz, nawa’y mapagpatuloy ka pa at mapanatili mo ang may mababang kalooban. God Bless!

Ang kasalukuyang Vice President, si Steven Wong ay nagdiriwang ng kanyang ika-7 taon sa Iglesia. Taong 2004 ng siya ay mapabilang sa NDC. Ang isa sa dalawang bistik. S’ya rin ang kasalukuyang head ng Business and Finance committee ng NDC. Ang lupet di ba? Sana ‘wag kang magsasawa bro. Hangad namin na makapanatili ka sa iyong tungkulin. Sana patuloy mo pang pagmalasakitan at mahalin ang grupo. Dalangin namin na lahat ng mabuting panukala mo ay matupad. God bless & Keep it up!

Ang pinkamatanda sa NDC, si Edwin Camato o mas kilala bilang Hagors, taong 2001 ng mapabilang sa grupo. Sa tulong at awa ng Dios ay nakakapagpatuloy pa rin sa kabila ng ng kanyang edad. Isa sa mga hindi makakalimutan pangyayari ay ng minsang ipahawak sa kanya ni Meow ang paper bag na may laman na sapatos. At ang paper bag na iyon ay naiwanan ni Edwin sa jeepney, nagulat pa sya ng nakita nya si Meow at saka naalala yung paper bag (hahahaha). Walang nagawa ang Pusa kundi unawain ang Edwin dahil sa  Memory Gap. Sa kasalukuyan s’ya ang Chairman. Bakit Chairman? Kasi sya ang head ng Physical arrangement and man power committee ng NDC. Pinakamalupit! Ibig sabihin, kaya chairman kasi taga ayos ng bangko. Wehehehe! Kaya’t sa ‘yo Hagors, lagi ka sanang uminom ng Enervon Prime (para walang nang memory gap like me!). Patuloy kang magbantay Super Lolo. God bless.

Si Michael Bulan o Mikaela ay nagdiriwang nga kanyang ika-7 taon sa iglesia. Taong 2001 ng mapabilang sya sa grupo. Sobrang nakakamiss ang kapatid na ito dahil sa hindi na namin s’ya nakakasama sa ngayon. Siya’y nagtratrabaho sa abroad. (Magpadala ka naman ng chocolates at pondo for us, pambihira!). Sana’y mapagpatuloy ka kahit na malayo ka sa amin, basta andito lang kami, nandiyan ka! Hehehe. We miss you so much Pirena. We’ll be waiting for you. Gusto na namin na makasama ka ulit sa awitan. God bless.

At ang huli, si Nancy Santos a.k.a. “Divine Mercy“, nagdiriwang din ng kanyang ika-7 taon sa Iglesia. Bakit nga ba Divine Mercy? Hawakan nyo s’ya sa kanyang palad at malalaman nyo kung bakit. Taong 2002 ng mapabilang sya sa NDC. Si Nanz ang kasalukuyang Assistant Treasurer ng grupo. Isa sa mga kapatid na alam namin na nagmamahal at nagmamalasakit sa grupo at sa bawat isa sa amin. Ipagpatuloy mo yan Sis! Makapanatili ka sana bilang isang masiglang mang-aawit na gumaganap ng kalooban N’ya. Marami ng pinagdaanan ang kapatid na ito kasama ang grupo. At sa lahat ng pangyayari na naranasan n’ya, yun ang nagbigay dahil kung bakit magpahanggang ngayon sa tulong at awa ng Dios ay nakakapanatili pa din sya sa tungkulin. Sana patuloy mo pang pagtitiis, mahalin at pagmalasakitan ang grupo. We love you Divine. God Bless.

Sa aming mga kasamang nagdiriwang ng kaarawan sa espiritu sa buwan na ito¦ Maligayang Kaarawan sa inyong lahat! Sana loobin ng Dios na lumaon pa ang mga taon sa inyong paglilingkod. Salamat sa Dios at niloob N’ya na tayo ay magsama-sama sa grupong ito. Salamat sa Dios sa lahat ng ating mga pinagsamahan… sa mabuting pagkakaibigan. WE LOVE YOU!!!

Tags: ,

Minsan may mga bagay tayong ‘di naman natin inaasahan… Hindi man natin hinihingi… Ngunit dahil sa tulong at awa Niya, sa wakas, pagkalipas ng 7 na taon nag-champion rin ang NDC. Isang pangarap na akala nami’y suntok sa buwan. Akala namin ay hanggang pangarap na lang gaya ng kay Pichay. Isang pangyayaring magsisilbing inspirasyon upang mas lalong pagbutihin ang aming paglilingkod.

Salamat sa Dios sa Kanyang mga kaloob na hindi masayod. Sa mga awit na patuloy Niyang ipinagkakaloob. Sa lahat ng mga pangyayari na aming naranasan, maging masaya man o malungkot. Sa lahat ng kapatid at kasama na naging bahagi at patuloy na nagmamahal sa grupong ito. Sa mga manggagawa na aming nakasama, umalalay at nagsilbing gabay sa bawat isa sa amin. Salamat sa Dios sa bawat mabubuting pagkakataon na Siya ay maalayan ng aming mga tinig. Salamat sa lahat-lahat, maging sa mga bagay na hindi na namin alam. Sa Dios ang lahat ng karangalan at kapurihan!!!

TO GOD BE THE GLORY FOREVER!

July 9, 2007 by mhinnie | 3 comments

Si Arnel Rollon o mas kilala bilang Arn-arn. Ang besfriend ni Gilbert. Kabilang sa 2001 batch. Isa sa aming best tenor. Sa ngayon ay kasalukuyang miyembro na ng National Choir. Marami syang masasayang alaala sa NDC. Kabilang sya sa mga kasama na naawitan si Kapatid na Eli sa Morong. Memorable sa kanila ni Ana ang petsang May 11, 2004 dahil mismong birthday nila ng naawitan namin si Bro. Eli. Sa iyo Arn, binabati ka namin ng isang maligayang kaarawan. Kahit madalang na tayong magkita at magkasama, hindi namin nakakalimutan ang lahat ng masasayang araw noong kasama ka pa namin. Sana’y mapagpatuloy ka lang sa NC. Keep it up. Godbless and we miss you.

Si Karen Rose Villaflor Reyes, ang “Absalam” at modelo ng NDC. Maraming masasayang alaala ang naiwanan ni karen sa grupo. Una na syempre ang “MORONG” at “BICOL” out of town namin. Kaya madalas kaming lumabas noon kasi syempre kasama pa namin si Karen. Ang aming manager pagdating sa mga gastos. Hehehe. Ngayon, pulubi na kami kasi noong 2004 ay isa s’ya sa mga hinugot sa Metro Manila Division Choir. Nakakamiss ang kapatid na ito. Madami kasing masasayang alaala ang iniwan nya sa NDC. Lahat ng tawanan at kulitan, asaran pikunan. Minsan ka partner ko pa ito sa pang gogoodtime sa mga kasama. Ang memorable performance ni karen sa NDC? Syempre nung kinanta nya yung Top of the World. The best ‘to. Si Karen napagsolo namin. Ang lupet ‘di ba? Ngayong May 14 ay nagdiriwang si karen ng kanyang ika walong taon sa Iglesia. Hangad namin na makapagpatuloy ka pa sa iyong paglilingkod. Sana muli tayong magkasama ulit na umaawit, hindi man dito sana dun sa langit kung loobin na parepareho tayong maging dapat. maligayang kaarawan sa iyo. God bless you. Ingat ka palagi.

Tags: ,

« Older entries