Yehey, holiday ngayon dapat walang pasok. Dahil birthday ni Her excellency.. Michelle Fernandez a.k.a Madam. Bakit nga ba Madam ang tawag sa kanya? Hmmmnnn. According to Vinzhor, kamukha daw nya si Madam President. Hindi si GMA ha, si Ate Glow. Ang saya saya noh? Pero hindi bading si Madam (mukha lang) ops, peace tayo. Binansagan s’yang Madam kasi nuong minsang pauwi na sila galing sa destino, sinabihan sya ni Bong na ka boses daw niya si GMA. Eh kasama rin nila si Vinzhor nun, so hayun ginatungan na ng Vinzhor. Kaya kinabukasan Madam na ang tawag sa kanya.
Si Madam ay napabilang sa NDC taong 2003. Isa sya sa mga nag-audition ng taong iyon. Si Madam, sa unang impression eh, kung hindi mo s’ya kilala ay maaring akalain mong tahimik at mahiyaing tao. Pero sa totoo lang, ay napakakulit at maingay ang babaeng ito. Sobrang lakas ng boses, kahit harapan na kayong nag-uusap. Palaging s’yang high energy ‘pag nasa mood pero sobrang tahimik naman kung badtrip, lalo na kapag mayron s’yang… topak. Ang lakas din nitong mang-asar at sobrang sakit mangurot. H’wag kayong makikipagharutan diyan kung ayaw n’yong magka pasa gaya ng ginawa nyan sa braso ni Bong. Si Madam ay isang kapatid na nabiniyayaan ng maraming talento. Natatandaan ko nuong inawit nya yung “You light up my Life”. Pano nga ba yon? So, so, so many nights… Ang daming “so” nun ha. Mahusay din yan kahit sa sayawan kahit na mala-toothpick ang katawan. Saan ka pa?
Pero sa likod ng kanyang kakulitan at kaingayan, isa syang kasama na maaasahan. Kahit na pagod at puyat dahil sa trabaho nya sa call center eh pinipilit pa rin nyang makasama sa mga funtions ng grupo. Kaya mula sa aming lahat, binabati ka namin ng isang maligayang kaarawan. Nawa’y mapagpatuloy ka sa NDC. Nandito lang kaming mga kasama mo. Mahal ka namin Madam. God Bless you!
March 27, 2007 by mhinnie | CommentsBirthday+ni+Madam2007-03-26+20%3A14%3A07mhinnie
Si Grace Comission a.k.a. Shukran, ang Gracia Arce ng grupo. Ang lufet noh? Teka, meron pa palang bagong alias to… “Angel”. Hindi Angel Locsin. Kundi Angel Lo Blanco! (Corny ba? Galing yan kay RJ yun). Siya ang long lost sister ni Sis. Genesis. Kabilang s’ya sa naunang Batch ng 2001. Naaalala ko pa, noong probationary pa lang kami, s’ya ang pinaka active noon,. Kahit na pipigilan pa siya ng magulang eh go pa rin. Nawala siya sa grupo ng halos isang taon dahil pumunta ng Dubai para magtrabaho. DREAM, BELIEVE, DUBAI! Yan ang naging slogan ni Shukran. Mahiyain at may pagkasensitib. Noon ngang minsang rehearsal, habang inaayos ang mga pwesto ng bawat isa, at sya na lang ang walang pwesto, tinanong nya si Embet “Saan ako” sinagot s’ya ni Embet “Doon ka sa kanto”. Aba’t ang Shukran nagtampo at nagwalkout ba naman at hindi lang sa kanto ng Edsa pumunta kundi sa kanto ng BS Kanan. Hahaha
Si Paul ay kabilang din sa batch 2001. Nakakatuwa itong si Paul kapag umaawit kami, pano ba naman ang lakas ng boses as in bass na bass talaga at may pagkakataon na nangingibabaw na siya at hindi nya napapansin. Malupet din itong mag choreo, mala robot. Hehe. Masipag at tahimik, pero kahit hindi na s’ya mag joke eh… nakakatawa na s’ya. Remember yung game nating B.E.A.M? Walang kumaya sa powers ni mo noon. Pati si Bong no match sa ‘yo. Eh yung “NORTHLIFE”? The best yun. Ang dami mo yatang naging fans dahil dun. Doon nga naiyak sa kakatawa si kuya Dennis. Apir.
Si Jerald Rumbaoa, ang kasalukuyang presidente ng NDC. Kilala na Boy Nganga, ang Mr. Swabe ng NDC at kilabot ng mga Kusita! Peace tayo. Kabilang sa 2nd batch ng taong 2001. Masayang kasama at kausap. Sino ba ang hindi makakalimot sa ‘yong mga solo performances? Yung hagod ng boses, yung mga Mr. Swabe moves at syempre ang pamatay mong “Eternally”. Talagang todo bigay, may patalikod sabay harap pa. Ang lupeet!
Sa inyong tatlo, nawa?y magpagpatuloy pa kayo sa paglilingkod. Hangad namin ang pinaka mabuti para sa inyo. Paul, tuloy lang sa mas dakilang tungkulin na pinili mo. Sana lagi ka pa rin sumama sa amin kapag available ka. Grace, pasensya na sa lahat ng kakulitan at pang-aasar namin sa yo. Basta wala lang pikon. Ha?. Pero, iba ka na pala ngayon ‘di ka na medyo naaasar at gusto mo pang inaasar ka.. Aru,aru,aru. Sa aming presidente, susuportahan ka namin basta magpakabait ka lang. Sana’y magsilbi kang mabuting halimbawa sa bawat isa sa amin. Mga kasama binabati namin kayo ng isang maligayang kaarawan mga bisaya! God Bless you all. We love you.
March 22, 2007 by mhinnie | CommentsMarch+23+Celebrants+%28Grace%2C+Paul+%26+Jerald%292007-03-22+15%3A27%3A44mhinnie
May panibagong mga pangyayari ang naranasan ng grupo. Mga nakakatawa, nakakainis, nakakaiyak, pero ang pinaka masayang bahagi ay ang saya na naramdaman ng bawat isa ng muli kaming nabigyan ng pagkakataon na maawitan ang ating mga taga akay… Kaya eto kwento na ang Lulah.
Meeting place namin sa edsa 7:00 am daw. Asa ka pa sa NDC na halos lahat dadating sa usapang oras. Kasama sina Embet, Vinzhor, Jon, Gilbert, Randy, Mark, Jerald, Ninoy, Bong, Nanz, Macy, Madam, Analou, Essie, Meow, Jean, Nica, Aiza, Lei, Arlene, Menggay at ang inyong lingkod. Guess what, kung anong oras kami nakaalis sa edsa? Mga 10:00 na po. Sa tulong at awa ng Dios ay nakarating kami sa apalit, nakaabot pa din kami sa panalangin. Mahabang oras kaming naghintay. Nagkaroon muna ng pag-eensayo ng awit “Hawak Kamay” sa pangunguna ng aming poging diva na si Arlene. Sa haba ng aming paghihintay ay naisipan ni Boy Noo na umawit muna sa mga babaeng bao. Ang saya ng naging awitan. Nakakatuwang makita ang mga loala at lolo na umaawit at nagsasayaw. Yung mga ngiti sa kanilang labi habang umaawit kami ay sapat na para makalimutan namin ang bawat problema, ang pagsubok na kinakaharap ngayon ng grupo. Ang saya kasi dalawang oras mahigit kaming nasa orphanage. ang tagal naming nakapiling ang mga matatanda. Nagkaroon ng jamming at syempre hindi papahuli si nanay Dalaga at nanay Kulot. Biruin nyo si Jon-jon po ay napasayaw ni nanay Dalaga! ha,ha,ha. Si Ninoy hinahanap ni nanay Kulot kaya lang ‘di nakita.
Pagkatapos, pumunta na kami sa assembly ng KAPI. Pinangunahan ng grupo ang pag-eensayo sa mga kapatid ng awiting “Hawak Kamay” na nilapatan ni Boy Noo ng mensahe patungkol kay kapatid na Eli. Siyempre, nanguna ang aming poging diva na si Arlene sa pag-awit. Maayos na po sana ang lahat ng si Boy Nganga also known as Boy Utot na ngayon (dahil sa nagsabog ba naman ng lagim sa loob ng van na aircon pa mandin!! Ang tindi ng amoy!) ay nanguna sa pagtuturo sa mga kapatid. Nagtanong ba naman kung nalilito ang mga kapatid sa tono ng last line ng chorus “KASAMA MO ANG KAPIANS” hindi naman nalilito ang mga kapatid, siya lang ang nagtanong at kinorek ang tono. Nang inawit na ni Boy Nganga ang last line… SYA ANG WALA SA TONO!!! Ha,ha,ha. Hindi tuloy namin napigilan ni Meow na matawa talaga.
MORAL LESSON: H’wag magmarunong ‘pag hindi talaga alam ang tamang tono!
Ang pinakamasayang bahagi ay ng marinig namin ang tinig ng ating mga mangangaral si kapatid na Eli at kuya Daniel. Napakaraming bagay ang ipinaunawa nila sa lahat ng mga kapatid na nandun sa pamamagitan ng kanilang mga mensaheng nagbigay inspirasyon sa bawat isa sa amin. At isang pangyayaring hindi na naman namin makakalimutan, ng pangunahan ng grupo ang KAPIAN’s na awitan si Ingkong at Kuya. WOW! Ang saya talaga. Kahit hook up lang ‘yon at ‘di namin sila nakikita ng harapan masayang-masaya kami dahil alam namin na nakikinig sila habang umaawit kami at ang mga Kapians. ‘Di ko kayang letrahan. Sana’y magsilbing inspirasyon sa grupo ang mga pangyayaring ito. Ang bait ng Dios talaga, dahil ng may dumating na “MALAKAS NA BAGYO” sa grupo, hindi Niya kami pinabayaan at muli N’yang pinasikat sa bawat isa sa amin ang “ARAW” Isang napakaganda at napakaliwanag na araw at yun ay ang pangyayaring ‘di namin makakalimutan.
Ooops teka, masyado na yatang madrama ang Lulah (wala lang sarap lang magkwento kasi, kaya pagbigyan nyo na ‘ko) O, para matawa naman kayo, si Menggay naman ngayon ang bida… Pagkatapos ng gawain sa KAPI, syempre, umuwi na kami at sabay lahat ng girls kasama si Ate Genesis at Ate Abi. Teka hindi pala lahat ay girls may nahalong isang gay at boy, si Vinzor at Jerald. Siyempre hindi maiiwasan ang kwentuhan at tawanan habang bumibiyahe kami at sa pagkakataon na ito ay muli na namang nagsabog ng butil ng katatawanan si Menggay. Ganito kasi yon, si Ate Gen tinanong si Menggay kung anong masasabi niya kay Sis Abi, ano ang maipapayo niya in behalf ng NDC dahil sa nag birthday nga si Abi. At ang Menggay walang preno na nagbigay naman ng kanyang mensahe. Nagpayo ba naman sa manggagawa (he,he,he). Nagtanong ulit si Ate Gen, ano maipapayo niya kay Abi dahil madami nga daw boys na umaaligid at nagpaparamdam sa kaniya. Aba’t ang Menggay nagpayo na naman. Ganito ang sinabi niya “Deadmahin na lang NATIN”. Nagtanong si Ate Gen bakit natin? Sumabat ang Lulah; oo nga bakit natin, bakit may umaaligid din ba sa iyo??? At ito po ang pinakakwelang sagot ni menggay na hindi kinaya ng powers namin… “E KUNG SABIHIN KUNG MERON???” Bwahahaha! PANALO ang Menggay!!! Sabi ni Vinzhor mga insekto daw yun. Haaay naku, ang sakit ng tiyan namin sa kakatawa.
…At diyan nagtatapos ang kwento ng Lulah. Masayang maala-ala at balik-balikan ang mga pangyayaring ganito. Salamat sa Dios sa pagkakataon na patuloy Niyang ibinibigay sa grupo. Sana sa susunod ulit kung loloobin Niya.
Prayer meeting sa lokal ng Ugong. Kaunti lang ang nakapunta sa girls. Andun sina Meow, Grace, Jean (welcome back, buti magaling ka na!) Essie, Nalu at ako. Sa boys, andun sina Criz, Edwin, Aldei, Tai, Ninoy, Randz (ang dami bass!!!) si Emerson, Steven, Alien at Gary. Hay naku, Pusa ba’t wala si Tom tom? Ano kaya nangyari dun?
Pagkatapos ng prayer meeting pumunta kami sa lamay ng kapatid na taga Karuhatan. Nakita din namin si Malou at Roger doon. Inawit namin ang Sa Iyong mga yapak, The Lords Prayer, Tala, Pag-asa at Sulok… Salamat sa Dios sa isa na namang pagkakataon na ibinigay Nya sa araw na ito. Sana bukas ulit kung loloobin Niya.
December 8, 2006 by mhinnie | CommentsLamay+sa+Karuhatan2006-12-08+13%3A35%3A47mhinnie
Nagpraktis kami ngayon sa lokal ng Edsa. Nakapunta sila Embet, Gilbert, Steven, Criz, Ninoy, Tai, Mark, Lei, Meow, Nheng, Siokran, Nalu, Esie, Nanz at ako. Ang piyesa na pinag-aralan namin ay “MAGSIMULA KA” na hanggang ngayon ay puro simula pa din. Joke! Matatapos na kami polishing na lang. Umawit kami sa meeting ng workers at pati sa doktrina. Inawit namin ang NYC Theme 2004. Pasaway si Criz e, kasi ‘di kami nakapagpraktis mabuti kaya ayun ang saya ng koryo. Si Ninoy namuti nga sa pagkokoryo e, namuti sa sobrang kahihiyan dahil ang dami niyang mali nasa unahan pa man din siya. Hindi rin kasi nainform ang iba na yun ang aawitin namin. Sabit tuloy. Haay!! Pero Salamat sa Dios pa rin dahil sa nagkita-kita na naman ulit kami at nabigyan ng pagkakataon na makaganap ng aming mga tungkulin.
December 6, 2006 by mhinnie | CommentsMagsimula+ka2006-12-06+01%3A21%3A14mhinnie
Ubos ang kaperahan!!! Pano ba naman wala kaming service papuntang lokal ng Sta. Ana kanina kaya ayun, commute to the max ang ginawa namin. Si Gilbert first time sa MRT!!! Ganito kasi yon, papasok na kami syempre may card lahat inabutan na ng card. Si Gilbert nasa likod kasi kaya siya ang huling pumasok. Buti na lang lumingon ang lola at nagulat sa nakita dahil ng pinasok na ni gilbert yung card, abat direderetso at iniwan yung card (buti na lang talaga nakita namin at kinuha nya ulit yung card). Ito ang matindi, e ‘di nasa Boni station na kami bababa na ang lahat syempre may exit at ilalagay ulit yung card para makalabas, e nahuli na naman si Gilbert kaya tiningnan na namin kung ano gagawin nya aba’t nung pinasok ang card, hinihintay nyang lumabas at sinilip pa nya talaga. Tawa tuloy kami ng tawa. Iba ka talaga Tom-Tom.
Eto ang hindi kinaya ng powers namin. Sa lokal ng Sta, Ana, ang bida dito si Hagors. Ang dami naming inawit (concert nga e), pano ba naman nakakatuwa yung mg kapatid. Eh ‘di inawit na namin yung “Hinahanap-hanap Kita”, si Jerald ang nag-solo, at doon sa part ng narration pinalitan ni Je, yung sinabi nya ginawa nya ginaya nya yung announcer na nagpapakilala kay Manny Paquiao. Hulaan nyo kung sino ang lumabas na Manny Pacquiao? Si Hagors at ang matindi pa nito, pumorma pa, sumuntok suntok at pagkatapos sabay itinaas ang isang kamay na mala superman ang dating. Super Lolo ang drama!!! Nakakatawa talaga, lahat kami ‘di namin napigilang tumawa nahinto nga yung pag-awit e. Pambihira talaga si Hagors…
Umuwi kami ng mga bandang 10pm na ng gabi. Nakakapagod sa laman, pero sa pagkataong loob masaya sa pakiramdam. Sabi nga ni Ingkong;
“Masarap mapagod, it is very consoling to the soul. Lalo na kung ang bagay na pinagpapagalan mo ay bagay na banal sa Dios.”
Salamat sa isang buong maghapong makabuluhang paggawa. Sana bukas ulit kung loobin Nya.
December 3, 2006 by mhinnie | CommentsGilbert%27s+first+train+ride+at+si+Super+Lolo2006-12-03+13%3A17%3A26mhinnie