Lahat tayo ay mahalaga sa paningin ng Dios, kagaya nga lang ng binabanggit ko sa inyo, meron nga lang tayong papel na ginagalawan. Hindi komo nasa MMC kayo e mas mataas na sa langit ang mararating ninyo, o kaya iba ang pangako sa inyo kaysa doon sa nasa Cavite Region Choir o Rizal Region Choir o Metro Manila Division Choir o nasa Local Choir. Ang pangako ng Dios sa atin ay ang buhay na walang hanggan, at kung ito’y mapagtatagumpayan natin, yun ang makakamtan natin at pare-parehong yun ang ating pinapangarap, yun ang nasa ng ating mga puso. Kaya nagpapasalamat ako sa Dios, na nariyan kayo katulong sa pag-iisip, katulong sa paggawa, katulong sa pangangalaga sa mga kapwa ninyo kabataan, at umaasa kaming katulong kayo sa tuwi-tuwina na magmamalasakit sa mga kapatid. Yun naman ang lagi naming dinadalangin sa Dios at hinihingi sa inyo, na bilang mga miyembro ng choir, dapat alam natin na bahagi ng ating mga tungkulin ay hindi lamang ang pag-awit, kundi ang paglingon sa mga kapatid, paglingap sa kanila, page-extend ng anumang tulong na maaari nating maibigay. Whether its material o spiritual, sa anumang bagay na pwede tayong maging kapakipakinabang. Kung mayroon kayong nakikita sa isang sulok ng inyong mga mata na maaring nakapupuwing sa inyo para ituloy kung ano ang mabuting nalalaman ninyo, ialis natin yun. Huwag nating pabayaan na ang nakikita nating mga pangyayari sa paligid natin ay magpahina ng ating kalooban. Although minsan, hindi natin maalis dumating ang pagkakataon na parang nanghihina tayo. Pero huwag ninyong kalilimutan na ang Dios ay hindi nagpapabaya sa atin. Ang Dios, kailanma’y hindi magkukulang ng Kaniyang assistance sa anumang kailangan natin para tayo ay makapagpatuloy. Kaya sana matuto tayong mag-alalayan. Meron tayong kani-kaniyang kahinaan, alalayan natin ang ating mga kasama. Huwag kayong pumayag na basta natin silang ipamigay sa kaaway. Huwag kayong pumayag na tayo pa ang maging kasangkapan para maibagsak ang ating kapatid. Huwag nating payagan na tayo pa ang maging dahilan para ang ating kapatid ay hindi makapagpatuloy sa kanilang mabuting pinasimulan.
You are currently browsing articles tagged Music Ministry.
Tags: Kuya, Music Ministry
Nagpasimula ang Ministeryo ng Musika noong mga panahong na ang kapatid na Eli Soriano ay nagpupulong kasama ang mga kapatid na Boy Dimalanta, Edong Erese at kapatid na Let Manabat.
Taong 1985, ay natatag ang KKTK Choir na kinabibilangan nila kapatid na Roland Ocampo Kapatid na Josel Mallari at Kapatid na Luz Cruz.
Taong 1994 ay natatag naman ang Metro Manila Choir (MMC) sa pangangasiwa ng kapatid na Daniel Razon na noo’y OIC ng Dibisyon ng Metro Manila kasama ang kapatid na Josel Mallari.
Taong 1996 tinawag ang Metro Manila Choir (MMC) na ADDCHORALE, sa dahilang isinama na ang mga KKTK Choir sa grupo ng MMC. Ang ADDCHORALE ang mga nanguguna sa pag-awit tuwing Linggo sa Pasalamatan at ibat-iba pang mga gawain, kasama ng ADDCHORALE ang Cavite Rizal Region Choir (CRC).
Dahil sa mabilis na pagdami ng mga kapatid nagkaroon ng panukala ang kapatid na Daniel Razon na bumuo ng mga mang-aawit sa limang Distrito ng Dibisyon ng Metro Manila.
Taong 1997 ay pinasimulan ang pagkakaroon ng awdisyon sa bawat distrito sa pangunguna ng ADDCHORALE. Sa mithiin na makabahagi sa gawain ng Iglesia sa maliit na paraan, marami sa mga kabataan ang tumugon sa panawagan patungkol sa paglahok sa ministeryo ng musika. Ang mga kabataang mang-aawit na sumali sa awdisyon ang siya ng umaawit tuwing may pagkakatipong pagsamba, pulong panalangin doktrina. Ang mga nasabing mang-aawit ang kauna-unahang naging District Choir.
Taong 1998, ipinanukala ng kapatid na Daniel na magkaroon ng isang kompetisyon sa larangan ng musika. Layunin nito na lalo pang mapasigla ang mga mang-aawit, mapagsanay ang tinig na taglay upang ialay sa Dios na nagbigay. Ang nasabing Kompetistyon ay nilahukan ng may apat na Distrito Ang Central District Choir, East District Choir, West District Choir at South District Choir. Noon ay di pa nabubuo ang North District Choir dahil sa may (5) limang bilang pa lamang ng mang-aawit ang nasabing Distrito. Ang limang kapatid na galing sa North District ay isinama sa Central District Choir. Sa pangunguna na kapatid na Daniel Razon at ng ADDCHORALE naidaos ang unang kompetisyon sa larangan ng musika na ginanap sa local ng Vipra.
Kaalinsabay ng nasabing kompetisyon, hinirang ng kapatid na Daniel Razon ang mga MMC New Generation. Mula sa apat na Distrito ng Metro Manila.
Taong 1999 ibinalik ang pangalang Metro Manila Choir (MMC). Sa taong ito ipinanukala ng pangasiwaan na magkaroon ng mga mang-aawit ang bawat lokal. Sa Awa at tulong ng Dios ay mabilis na nagkaroon ng mga Local Choir.
Taong 2000 ng magkaroon ng kompetisyon sa mga local Choir. Mabilis ang paglaganap ng gawain, lalong dumarami ang mga nagnanasang makasama sa ministeryo ng musika. Nilahukan ito ng mga kabataan at mga may asawang kapatid.
Disyembre 20, 2000 natatag naman ang National Choir (NC). Ang grupo ng mga mang-aawit na ito ang siyang umaawit ibat-ibang gawain ng mga ibat-ibang dibisyon sa Iglesia.
Sa mga huling buwan ng taong 2000, ipinasya ng pangasiwaan na pagsamahin ang MMC New Gen at Metro Manila Choir (MMC). Layunin nito ay upang matugunan ang mga pangangailangan ng lumalaking bilang ng mga kasapi sa ministeryo ng musika.
August 19, 2001 Pasalamat ng Metro Manila Choir (MMC), sa araw na ito ipinahayg ng kapatid na Daniel Razon sa buong kapatiran ang Music Ministry Core (MMC). Ang grupong ito ang magiging katulong ng tagapangasiwa na mangangalaga sa mga kapatid patungkol sa mga bagay na may kinalaman sa musika sa buong Iglesia.
January 10, 2002 Natatag ang Metro Manila Division Choir (MMDC). Hinirang ng kapatid na Daniel Razon ang mga kapatid na mang-aawit mula sa limang Distrito ng Central, North, East, West at South District. Ang grupong ito ang mga nangunguna sa pag-awit sa mga gawaing gaya ng mga Tanging Pulong panalangin, Tanging Pagsamba, Grand Pulong, Bible Expositions, Bisita Iglesia at ibat-iba pang mga gawain sa limang distrito ng Metro Manila.
Disyembre 2003 Ipinasya ng pangasiwaan na paghiwalayin ang mga mang-aawit na walang asawa sa mga kapatid na mang-aawit na may asawa. Kaagad namang isinakatuparan ang nasabing utos ng ating mga tagapangasiwa Kapatid na Eli Soriano at Kapatid na Daniel Razon.
Taong 2004 ay nabuo ang mga Womens at Mens Choir sa ibat ibang dibisyon. Ang grupong ito ay kinabibilangan ng mga kapatid na may mga asawa na.
Taon-taon ay idinadaos ang paligsahan sa pag-awit magmula lokal District at Dibisyon. Layunin nito ay upang lalo pang mapasigla ang mga kapatid, mahikayat na makagawa ng mga bagong awit na Papuri sa Dios.
Hanggang sa kasalukuyan ay lalo pang nadadagdagan ang bilang ng mga kapatid na nag-nanais na maipaglingkod ang maliit na tinig sa Dakilang Lumikha.
Tags: Music Ministry
ndc.jpg)





























