NDC blog » Tula

Sa isang sulok ng Iyong langit (tula)
Hindi ako karapat-dapat ibigin

pagkat ganda’t yaman

ay salat sa akin

mahina at hamak na ituring

sa pagkatao’y walang sukat purihin

at sa kabila ng aking kaliitan,

di maubos isipin…

nagawa Mong ako’y igalang at ibigin

sa Iyong di masayod na habag

saksi ang buhay ko

bawat datnang umaga’y pahayag

ng kagandahang loob Mo

kaya’t dalangin ay Iyong pahirin

tanang karumihan ko,

puso’t kaluluwa’y linisin

maging mapalad ang abang alipin

pagkat nasa ko’y makarating…

sa isang sulok ng Iyong langit

kung saan Ika’y matatanaw

Iyong mukha’y mamamasdan,

kaluwalhatian Mo’y masisilayan

sa isang sulok ng Iyong langit

kung maabot at makapanahan

sa pangarap, siyang katuparan

ligayang tunay, walang kapara

Ikaw na nga lamang

siyang dahil ng buhay ko

at wala ng ibang hangad

kundi maging dapat sa Iyo

lupit ng lakbayin

nagagawa lamang harapin

dahil batid kong Ika’y nariyan

di mag-iisa kailanman

kaya naman patuloy na iibigin

aral at katotohanan Mo

na siyang maghahatid sa akin

sa pangarap na langit,

sa buhay, kapiling Mo…

lahat ng hirap, pagtitiis

sadyang di maipaparis

sa ligayang naghihintay

kung itutulot Mo Ama

na ako’y makarating…

kahit sa isang sulok

ng iyong langit

ni: Malou Gangan / 10-25-04

* Ito ang original na tula na ginawang awit sa tulong ng Dios ni Roger Clores.